Presyuhan sa sari-sari stores, babantayan na rin ng DTI | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Presyuhan sa sari-sari stores, babantayan na rin ng DTI

ABS-CBN News
Published May 30, 2018 11:53 PM PHT
|
Updated May 31, 2018 03:33 AM PHT

Bukod sa mga grocery at supermarket, babantayan na rin ng Department of Trade and Industry (DTI) simula Hunyo ang kalidad at presyo ng mga bilihin sa mga sari-sari store, ayon sa kalihim ng ahensiya.

Bahagi ito sa pinaigting na pag-monitor ng DTI sa mga presyo upang matiyak na walang pananamantala sa mga mamimili.

"May mga sari-sari store na malalaki, para silang wholesaler na, na nasa mga kanto, malapit sa palengke," ani Trade Secretary Ramon Lopez.

Inialok din ng ahensiya sa mga sari-sari store owner ang kanilang "suking tindahan" seal na magsisilbing patunay na nagbebenta ang isang tindahan ng mga pangunahing bilihing pasok sa suggested retail price (SRP).

ADVERTISEMENT
Pero ngayon pa lang, umaalma na ang ilang sari-sari store owner.

Hindi raw nila kayang pababain nang husto ang presyo ng kanilang mga paninda.

"Bulk talaga ng order nila is malaki dahil mas malaki 'yong discount nilang nakukuha kaysa sa'min," sabi ng sari-sari store owner na si Gerry Sta. Ana.

Samantala, ininspeksiyon din ng mga tauhan ng DTI ang school supplies na ibinebenta sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue sa Divisoria, Maynila.

"Pasado naman lahat, sa presyo, quality," ani Lopez.

Dagdag pa ni Lopez, mas mura ng P2 hanggang P4 kaysa sa SRP nila ang presyo ng school supplies sa Divisoria.

Halimbawa, kung P12.20 ang SRP ng spiral notebook, P10 lang ang presyo nito sa Divisoria.

-- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
bilihin
konsumer
sari-sari store
grocery
supermarkets
school supplies
SRP
Divisoria
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT