'Suking tindahan' na swak sa suggested retail price ang paninda, ilulunsad | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Suking tindahan' na swak sa suggested retail price ang paninda, ilulunsad

'Suking tindahan' na swak sa suggested retail price ang paninda, ilulunsad

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 29, 2019 08:40 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ilulunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang "suking tindahan" o ang mga sari-sari store na magbebenta ng mga pangunahing bilihing pasok sa suggested retail price (SRP).

Layunin nitong maalis ang patong sa presyo ng mga produkto at mapamura ang ilang pangunahing bilihin.

"Kapag nakita ng consumer ang seal na 'yon, alam na nila na 'yong presyo ng BNPCs [basic necessities and prime commodities] ay pasok sa SRP," paliwanag ni DTI Undersecretary Ruth Castelo.

Kinakausap na ng DTI ang malalaking manufacturers na suplayan din ang sari-sari stores para hindi na sila bumili sa supermarkets.

ADVERTISEMENT

"Sila ang magde-deliver ng goods doon sa mga suking tindahan para 'yong logistical cost nitong sari-sari stores mabawasan o bumaba," ani Castelo.

Pabor dito ang kinatawan ng grupo ng mga may-ari ng mga tindahan at karihan dahil mas mura rin nilang mabibili ang mga paninda.

"Mabababaan namin ang presyo namin kasi hindi, wala nang dadaanang ibang kamay kumbaga, direct na sa'min," ani Vicky Aguinaldo, presidente ng Philippine Association of Stores and Carinderia Owners.

Pero nilinaw ng DTI na basic goods lang gaya ng instant noodles, kape, sardinas, at bottled water o kaya'y prime commodities gaya ng de-latang karne na corned beef, meat loaf, condiments tulad ng toyo, patis, suka, at kandila ang sakop ng programa.

Target ng DTI na ilunsad ang suking tindahan sa Abril 30.

Paunang 20 sari-sari store muna ang bibigyan ng DTI seal bilang gabay sa mga mamimili na mura ang bilihin dito.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.