ALAMIN: Para saan ang 'economic zone' sa isang lugar? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Para saan ang 'economic zone' sa isang lugar?

ALAMIN: Para saan ang 'economic zone' sa isang lugar?

ABS-CBN News

 | 

Updated May 15, 2019 04:25 PM PHT

Clipboard

ALAMIN: Para saan ang 'economic zone' sa isang lugar?
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ang isa sa mga layunin kaya nagtatalaga ng special economic zone (SEZ) sa isang lugar, lalo na sa malalayong lalawigan, ayon sa pinuno ng isang SEZ.

Ayon kay Raul Lambino, administrador ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), maraming negosyante ang nahihikayat na magbukas ng mga hanapbuhay sa loob ng SEZ dahil sa umiiral na mga pabuya tulad ng mas mababa o libreng buwis.

"Kapag nabigyan ng SEZ certification o charter galing sa national government, may mga maibibigay silang mga pabuya o incentives doon sa mga gustong pumasok na investors, local man o foreign," ani Lambino sa programang "Usapang de Campanilla" ng DZMM.

"Mayroon kaming sariling alituntunin kung ano ang puwede naming gawin sa mga pumapasok na imported na mga vehicles, materials," paliwanag ni Lambino.

ADVERTISEMENT

Bunsod ng pagpasok ng mga negosyo ay trabaho para sa mga naninirahan sa lugar.

"Siyempre ‘yong kukuhanin na prayoridad na magtatrabaho ay iyong mga tao sa lugar, mga malalapit sa isang economic zone," aniya.

Sa CEZA, halimbawa ni Lambino, ay binibigyan ng permanent residence visa ang mga banyagang negosyanteng magpapasok ng US$150,000 o P7.5 milyon halaga ng investment.

May ilang agro-industrial zone ang pinamamahalaan ng mga pribadong kompanya, pero karamihan sa mga freeport at SEZ ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Economic Zone Authority.

Bukod sa CEZA, ilan pa sa mga freeport at SEZ sa bansa ay ang Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City at Subic, Zambales; Clark Freeport Zone sa Pampanga; Mactan Export Processing Zone sa Mactan Island, Cebu; at Zamboanga City Special Economic Zone Authority sa Zamboanga City.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.