Mga bangko, maaga nang magsasara | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga bangko, maaga nang magsasara

Mga bangko, maaga nang magsasara

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nag-anunsyo ang ilang mga bangko na maaga na silang magsasara dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Abiso sa mga depositors at customer ng mga bangko, magbabago ang operating hours ng maraming bangko simula ngayong araw, January 10.

Ayon sa BPI, lahat ng branches nila nationwide ay magbubukas ng 9am at magsasara ng 3pm simula ngayong araw. Ito ay dahil aniya sa dumaraming COVID-19 cases sa bansa. Pinapayuhan nila ang publiko na gumamit muna ng online banking services.

Ayon naman sa BDO, lahat ng branches nila sa Metro Manila ay apektado ng bagong schedule na ang closing hour ay 3pm. Wala naman sila abiso para sa ibang branches sa mga probinsya.

ADVERTISEMENT

Ayon sa PNB, ang bagong operating hours rin nila simula ngayong araw ay 9am-3pm. Maaari pa rin naman aniya gamitin ang banking app nila.

Para naman sa Metrobank, meron rin silang maikling operationg hours mula January 7 hanggang 14 dahil rin aniya sa dumaraming kaso ng COVID-19. 9-3pm ang operating hours nila at depende pa yan sa branches sa ilang LGU na may mas mahigpit na quarantine.

Marami namang branches ng Land Bank ang sarado nationwide at para naman sa mga operational, karamihan dito ay 8:30am to 2pm lamang.
Maaring tingnan ang website at social media page ng bangko para sa listahan ng mga apektadong braches.

Nauna nang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na tuloy pa rin ang paghatid serbisyo ng mga bangko sa gitna ng pandemya. Pinapayuhan rin ng BSP ang publiko na gumamit ng online banking o digital payment services.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.