'Hugot lines' sa isang exam sa Bicol, nag-viral | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Hugot lines' sa isang exam sa Bicol, nag-viral

ABS-CBN News
Published Oct 19, 2018 10:06 PM PHT

"Huwag mangopya dahil masakit ang maloko."
Iyan ang isa sa mga hugot line na ginamit sa final na pagsusulit ng isang guro sa kolehiyo sa Naga City.

Patok na patok ang mga hugot lines na ginamit ng gurong si Marvin Pila sa mga direksiyon para sa exam ng kaniyang mga estudyante sa Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BICAST). Kaya nang i-post ito sa social media ng estudyante niyang si Kathlin De Leon, agad itong nag-viral.

"Nagtawanan kami, lahat kami maingay, pero madali na lang 'yung exam," ayon kay De Leon.

Paliwanag ni Pila, kinakailangang mapukaw ang atensiyon ng mga millennials kaya niya ginawang ganoon ang kaniyang pagsusulit.

ADVERTISEMENT
"Mahirap makuha 'yung focus nila, distracted ng internet, games, lovelife kaya pa'no ba, sabi ko, sila maeenganyong matuto?" aniya.

Bagama't may mga negatibong reaksiyon sa post, tingin ni Pila na naging epektibo ang ginawa niyang pagsusulit.

"In-encourage ko po na mas maging creative, mag-isip ng mga strategy kung papano mas mapapadali yung pag-aaral."

Bagama't inabisuhan ang pangulo ng BICAST na si Richard Cordial na gawing pormal ang mga eksaminasyon, wala siyang nakikitang masama sa ginawa ng kaniyang propesor.

"Tingin ko they were banking on academic freedom. I don't see really wrong dito. Nag-iisip 'yung teacher ng ibang paraan. Ang motto namin ay to do everything possible para matuto," aniya.

Hindi pa nalalabas ang resulta ng pagsusulit pero ani Pila, kalahating oras lang sinagutan ng kaniyang mga estudyante ang pagsusulit.

-- Ulat ni Rizza Mostar, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Rizza Mostar
BICAST
paaralan
hugot
trending
exam
pagsusulit
Bicol State College of Applied Sciences and Technology
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT