TINGNAN: Mga larawang kuha ng litratistang Briton sa Palawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Mga larawang kuha ng litratistang Briton sa Palawan

TINGNAN: Mga larawang kuha ng litratistang Briton sa Palawan

Chinee Palatino,

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 27, 2017 10:22 PM PHT

Clipboard

Tampok sa mga larawang ang kagandahan ng karagatan ng Palawan
Kuha ni Katherine Jack

PALAWAN - Isang litratistang Briton ang tila na-in love sa mala-paraisong ganda ng Palawan, kung saan ito kasalukuyang naninirahan.

Taong 2004 nang piliin ni Katherine Jack na manirahan sa Palawan, at tinutukan niya ang pagretrato sa buhay sa karagatan.

"I guess the photos are just my way of communicating my experience in Palawan. So I really feel that this is a magical place," ani Jack.

Ipinapakita sa mga larawan ang koneksyon ng mga tao sa dagat. Sa pamamagitan nito, nais ipalaganap ni Jack ang panawagang pangalagaan ang ating karagatan.

ADVERTISEMENT

Hangad rin niyang mai-dokumento ang buhay sa ilalim at sa ibabaw ng karagatan para makita rin ito ng mga susunod pang henerasyon dahil patuloy umano itong nagbabago.

Natutuwa naman ang ilang non-government organization na tumututok sa marine conservation dahil nagiging katuwang umano nila si Jack sa kanilang adbokasiyang maprotektahan at mapangalagaan ang karagatan.

Naniniwala silang makapangyarihan ang mensaheng ipinaparating ng mga larawan.

Umaasa silang sa pamamagitan nito, marami pa ang mahihikayat na makiisa sa marine conservation sa lalawigan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.