VIRAL: Bata nag-aaral sa gilid ng daan sa Davao | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Bata nag-aaral sa gilid ng daan sa Davao

VIRAL: Bata nag-aaral sa gilid ng daan sa Davao

Ara Casas,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 10, 2016 12:09 PM PHT

Clipboard

MANILA - Kumalat sa social media ang larawan ng isang batang nag-aaral sa tabi ng kalsada sa Calinan, Davao City.

Kuha ni Brian Parantar ang litrato sa Penyano Street noong Lunes ng gabi.

Kwento ni Parantar, naglalakad siya nang makita ang nag-aaral na batang si Luxury Lumabong, walong taong gulang.

Humanga umano si Parantar sa determinasyon ng paslit. Anya, "Nakikita ko siya na nagpupursigi sa pag-aaral kasi sa panahon natin ngayon, naglalaro at this early age sa kalsada."

ADVERTISEMENT

Napag-alaman namang gabi-gabing nag-aaral sa daan si Luxury dahil walang ilaw sa kanilang bahay at mas maliwanag sa kalsada dahil sa ilaw mula sa poste.

Pangarap ng bata na maging maging isang bumbero paglaki.

Nasa ikalawang baitang si Luxury sa Calinan Central Elementary School. Pang-apat na anak siya ni Nelly at Lauro Lumabong, isang laborer.

Kwento ni Lauro, nagsisikap ang kanyang mga anak sa pag-aaral sa kabila ng maliit niyang sahod na sakto lang para makabili ng pagkain.

Nais naman ni Nelly na makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak.

Sa ngayon, mayroon nang mahigit 31,000 "likes" at 21,000 "shares" ang litrato ni Luxury.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.