PANOORIN: 11 talampakang buwaya, nakunan ng video sa Palawan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: 11 talampakang buwaya, nakunan ng video sa Palawan

ABS-CBN News
Published May 10, 2018 05:28 AM PHT

Kuha ni Rodel Bacaro ng DENR
PALAWAN - Nakuhanan ng video ng isang empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang buwaya sa Balabac, Palawan nitong Lunes.

Kuwento ni Rodel Bacaro, nagpapahinga sila sa coastal area ng Barangay 5 Poblacion matapos magsagawa ng inspeksiyon sa isa sa mga pasilidad ng DENR.

Laking gulat nalang nila nang makitang lumalangoy ang buwaya sa dagat.

"Sa tingin namin lahat, mga 11 feet 'yung haba ng buwaya," aniya.
"Sa tingin namin lahat, mga 11 feet 'yung haba ng buwaya," aniya.
ADVERTISEMENT
Si Bacaro na isang environmental monitoring officer ay nakatalaga sa Environmental Management Bureau ng DENR.

Batay sa kanilang pagsusuri, isa itong saltwater crocodile na posibleng naghahanap ng pagkain.

"Naitanong ko rin doon sa mga residente kaya raw sila nagpapakita kasi nga gutom 'yung buwaya. So naghu-hunting sila sa tabi-tabi ng mga hayop katulad ng mga kambing at saka aso," dagdag ni Bacaro.

Patuloy naman na pinag-aaralan ng Palawan Council for Sustainable Development at iba pang ahensiya na ideklarang crocodile sanctuary ang ilang barangay sa Balabac.

Paalala naman ng mga otoridad sa mga residente na iwasan na lumapit sa itinuturing na teritoryo ng buwaya para maiwasan ang anumang aksidente. - ulat ni Cherry Camacho, ABS-CBN News