Nag-viral na 'singing tindero' ng popsicle, tampok sa 'ASAP' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nag-viral na 'singing tindero' ng popsicle, tampok sa 'ASAP'

ABS-CBN News
Published Apr 22, 2018 03:30 PM PHT
|
Updated Apr 22, 2018 04:15 PM PHT

Hindi lang basta gimik para kay Lito Guerrero ang pagkanta niya habang nagtitinda ng popsicle dahil nasa musika na talaga ang kaniyang damdamin mula pa noong pagkabata.

Itinampok sa segment na "TLC" ng programang "ASAP" nitong Linggo si Guerrero, na nag-viral noong nakaraang buwan matapos makuhanan ng video na itinatanghal sa kaniyang mga kostumer ang sikat na kantang "Perfect" ni Ed Sheeran.

"Noong bata pa ako, talagang pangarap ko nang maging sikat na singer," sabi ni Guerrero.

Sinimulang ibahagi ni Guerrero, na tubong Ilocos Norte, ang kaniyang talento sa malawak na tagapakinig nang pasukin niya ang pagkanta sa radyo noong 1996.

Bukod sa radyo, kumanta rin si Guerrero sa mga bar.

Ito ang nagsilbing mga trabaho ni Guerrero para matustusan ang pangangailangan nila ng kaniyang partner na si Rosievic Acoba at kanilang mga anak.

Pero kalauna'y kinailangan din niyang iwan ang mga trabahong iyon.

"Nagbago ang lahat noong nawala ako sa radyo, nagsara ang mga bar na 'yan," aniya.

Para patuloy na may mapagkakakitaan, pinasok ni Guerrero ang pagbebenta ng popsicle.

"Kahit nakakapagod, mainit, tinitiis ko 'yan," kuwento ni Guerrero.

Matapos imungkahi ng kaniyang pamangkin, pinagsabay ni Guerrero ang pagtitinda sa kaniyang hilig sa pagkanta—bagay na pumatok aniya sa mga mamimili.

"Sinubukan ko nang dalhin 'yong gitara ko. Bili kayo tapos kakantahan ko kayo. Nagustuhan nila 'yong ganoon," aniya.

Matapos mag-viral, mas mabilis na raw nauubos ni Guerrero ang inilalakong popsicle.

Patuloy pa rin niyang pagsabayin ang pagkanta at pagtinda, lalo't may nais siyang patunayan.

"Napakababa tingin nila sa akin, gusto ko patunayan na 'di lang ako nagtitinda ng popsicle, marunong din ako umawit at napapasaya ko 'yong mga tao," aniya.

Dagdag pa ni Guerrero, sa edad na 49 anyos, hindi pa rin siya sumusuko sa kaniyang pangarap na maging sikat na mang-aawit.

Inalay naman nina Kyla at Daryl Ong ang "Perfect" para kay Guerrero.