PANOORIN: 'Nagliligawan' na mga buwaya sa Palawan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: 'Nagliligawan' na mga buwaya sa Palawan

PANOORIN: 'Nagliligawan' na mga buwaya sa Palawan

Cherry Camacho,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 10, 2018 02:00 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kuha ni Rodel Ronas ng DENR

Usap-usapan ngayon sa social media ang video ng 2 buwaya na tila nagliligawan sa isang ilog sa Balabac, Palawan.

Kuwento ni Rodel Ronas ng Department of Environment and Natural Resources, nakuhanan niya ang 2 buwaya noong Pebrero 28 sa isang ilog sa Barangay Rabor.

Aniya, tila nagliligawan ang mga buwaya dahil parte ito ng kanilang breeding season na nagsisimula sa Enero hanggang Setyembre.

Makikita sa video ang biglaang paglabas ng isang buwaya na sinundan naman ng mas malaking buwaya.

ADVERTISEMENT

Batay sa ilang mga pag-aaral, nagsta-stalk ang mga lalaking buwaya sa mga babaeng buwaya hanggang sa magtalik ito para dumami.

In-upload ni Ronas ang video nitong Marso 5 na kumakalat ngayon sa social media. Si Ronas ay kasapi ng wildlife monitoring section ng DENR.

Nandoon siya sa lugar nang mamataan ang mga buwaya para magsagawa ng information and education campaign dahil ang ilog ay malapit sa isang paaralan.

Ayon naman sa Palawan Council for Sustainable Development, ang Barangay Rabor ay isa sa kanilang pinag-aaralan na ideklarang crocodile sanctuary sa Palawan dahil sa magkakasunod na sightings ng buwaya sa lugar.

Nagbigay din sila ng babala sa mga residente na maaaring agresibo ang mga buwaya ngayon dahil nasa breeding season.

Kung maaari raw, iwasan na muna ng mga residente na lumapit sa itinuturing na teritoryo ng mga buwaya para maiwasan ang anumang aksidente.

Magsasagawa rin muli ang Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center ng surveillance and validation sa lugar sa susunod na linggo.

Sa buong Pilipinas, dito umano sa Palawan ang mayroon pang malaking populasyon ng Crocodylus porosus o saltwater crocodile.

Itinuturing na rin silang endangered species o nanganganib ng maubos kaya pinoportektahan sila ng batas sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.