Patrol ng Pilipino: Japanese PM Kishida, pang-6 na world leader na nagsalita sa PH Congress | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

Spotlight

Patrol ng Pilipino: Japanese PM Kishida, pang-6 na world leader na nagsalita sa PH Congress

Patrol ng Pilipino: Japanese PM Kishida, pang-6 na world leader na nagsalita sa PH Congress

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Mistulang naging State of the Nation Address o SONA ang special joint session ng mga miyembro ng Senado at Kamara sa Batasang Pambansa noong Nobyembre 4.

Pinakinggan ng mga mambabatas ang talumpati ni Japanese Prime Minister Kishida Fumiyo na bumibisita sa bansa.

Tinalakay ni Fumiya ang isyu sa West Philippine Sea na apektado rin ang kanilang bansa at tiniyak na lalo pang pag-iibayuhin ang pagtutulungan ng Japan, Pilipinas, at Estados Unidos na masiguro ang kaayusan ng karagatan.

Bukod sa SONA, tinatawag ang joint session ng Kongreso tuwing may dadalo roon na world leader.

ADVERTISEMENT

Bago si Kishida, nagsalita na sa joint session ang dalawang pangulo ng Estados Unidos, at ang mga pangulo ng India, Pakistan, at China.


– Ulat ni RG Cruz, Patrol ng Pilipino

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.