MULTIMEDIA
Patrol ng Pilipino: P1 taas-pasahe sa jeep, good news sa mga tsuper
ABS-CBN News
Posted at Oct 04 2023 09:58 PM | Updated as of Oct 04 2023 09:59 PM
MAYNILA – Nagpasalamat ang ilang transport groups at jeepney operators sa pag-apruba ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa P1 provisional fare hike sa mga jeep nitong Oktubre 3.
Magiging epektibo ang taas-pasahe sa hatinggabi ng Linggo, Oktubre 8 kung kaya’t mga commuters naman ang umaaray rito.
Kahit kaunti lang ang maitataas nito sa kita ng jeepney drivers, ikinatuwa pa rin nila ito bilang pambawi sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng diesel at mga bilihin.
Sabi ng transport groups, kusang-loob naman nila ang taas-presyo ng pamasahe kung sakaling tuluyang bumaba ang presyo ng produktong petrolyo.
– Ulat ni Johnson Manabat, Patrol ng Pilipino