Mga eksena sa Undas: Ano ang Araw ng mga Patay para sa Pinoy? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga eksena sa Undas: Ano ang Araw ng mga Patay para sa Pinoy?

Mga eksena sa Undas: Ano ang Araw ng mga Patay para sa Pinoy?

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 02, 2023 07:50 AM PHT

Clipboard

Pagdiriwang o pagninilay-nilay?

Para sa mga Pilipino, ang Araw ng Patay, o All Saints Day, ay parehong masaya at malungkot. Karamihan pa rin sa mga Pilipino ay lumaking Katoliko, at dala nito ang mga tradisyon at ritwal ng paggalang sa mga sumakabilang-buhay.

Grupo-grupo ng pamilya ang dumagsa sa mga sementeryo sa Metro Manila bagamat may banta ng ulan ngayong Undas. Kabilang na rito ang mga unang bibisita muli mula ng magkaroon ng Covid-19 pandemic.

Kaya hindi rin maiwasan na maging masayang pagkikita, o reunion, ang pagkakataon na ito. Nandiyan na ang piknik, kantahan at kuwentuhan. Pero sa kabila nito, nandiyan pa rin ang pagdarasal at pagdadala ng mga bulaklak at ilang paalala para sa mga mahal sa buhay na pumanaw.

ADVERTISEMENT

Sa kabila ng lahat, tuloy ang Undas. Ang mga matatanda ay pinilit dumalaw sa sementeryo. Ang mga bata ay masayang nakita ang mga kaanak. At ang mga namatayan ay muling inalala ang mga mahal nila sa buhay.

Dagsa ang mga bisita sa Manila North Cemetery sa Maynila pagsapit ng All Saints Day. Mark Demayo, ABS-CBN News

Maaga palang ay puno na ng tao ang Manila North Cemetery sa Maynila para sa pagdiriwang ng Araw ng mga Patay, o All Saints Day. Mark Demayo, ABS-CBN News

Maraming tao ang tumungo sa apartment-type na nitso sa Bagbag public cemetery sa Quezon City. Maria Tan, ABS-CBN News

Isang batang bisita ang gumamit ng cellphone upang kuhanan ang puntod ng mahal na pumanaw sa Bagbag public cemetery sa Quezon City. Maria Tan, ABS-CBN News

Isang lalaki naman ang maimtim na nagdarasal para sa mahal na pumanaw sa Bagbag public cemetery sa Quezon City. Maria Tan, ABS-CBN News

Sa isang lugar sa Manila North Cemetery sa Maynila nagtipon ang ilang tao sa istatwa ni Hesus upang magtirik ng kandila. Mark Demayo, ABS-CBN News

Isang lalaki sa Manila South Cemetery sa Makati City ang ang sariling naglinis ng puntod ng pumanaw. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Isang babae naman ang kinuha ang pagkakataon na magtinda ng makakain sa Manila South Cemetery sa Makati City. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Para sa iba, ang pagdadala ng pagkain at pagninilay-nilay sa tabi ng puntod ang nakagawian ng gawin sa Araw ng mga Patay. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Ang iba naman ay nagdala ng alay para sa pumanaw na mahal sa buhay sa Manila South Cemetery sa Makati City. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Gamit ang cellphone, isang dumalaw sa puntod ang ipinakita sa kausap na hindi makasama sa Manila South Cemetery sa Makati City. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Ang pamilyang ito ay naghanda ng mga native na kakanin na nakagawian ng dalhin sa pagdalaw sa puntod sa Manila South Cemetery sa Makati City. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Ang isang pamilya ay kinuha ang pagkakataon na mag-reunion sa loob ng isang mawsoleyo sa Manila South Cemetery sa Makati City. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Gaano mang karami ang miyembro, nagawa nitong isang pamilya ang magtipon-tipon sa isang mawsoleyo ng minamahal sa Manila South Cemetery sa Makati City. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Mataimtim ang pagdarasal ng isang babae sa tabi ng puntod ng pumanaw na minamahal sa Manila South Cemetery sa Makati City. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Isang drone shot ang nagpapakita ng didkit-dikit na nitso sa Manila North Cemetery sa Maynila noong Araw ng mga Patay, o All Saints Day. Mark Demayo, ABS-CBN News

Sa baba, siksikan ang mga tao na gustong dumalaw sa dikit-dikit na mga nitso sa Manila North Cemetery. Mark Demayo, ABS-CBN News

Isang pamilya naman ang nagtipon-tipon sa paligid ng isang nitso ng ng pumanaw na minamahal sa Manila North Cemetery sa Maynila. Mark Demayo, ABS-CBN News

Ang pamilyang Tumbaga ay dinalaw ang mga kamag-anak na pumanaw sa Manila North Cemetery sa Maynila sa Araw ng mga Patay. Mark Demayo, ABS-CBN News

Sa Manila South Cemetery sa Makati, hindi napigilan ng masukal na paligid na bisitahin ng minamahal ang kamag-anak na pumanaw. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Ang ibang bisita ay inabot na ng gabi sa Manila North Cemetery sa Maynila. Mark Demayo, ABS-CBN News

Ang iba naman, bitbit ang mga bata ay nagsiuwi na pagsapit ng gabi sa Manila South Cemetery sa Makati City. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.