Mga 'political families' sa Pilipinas, bakit nga ba dumarami? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga 'political families' sa Pilipinas, bakit nga ba dumarami?

RG Cruz,
ABS-CBN News
Published Dec 31, 2021 08:55 AM PHT
|
Updated Jan 12, 2022 01:20 PM PHT

MAYNILA - Ngayong halalan 2022, mas dumarami ang mga kandidatong galing sa tinatawag na political families, ayon sa mga eksperto sa politika.

Ito iyong mga magkakamag-anak na sabay-sabay o sunod-sunod na kumakandidato o nanunungkulan sa gobyerno.

Ang tinderang si Ria Aco at sidecar boy na si Manolo Torres, aminadong mula sa iisang pamilya ang inilalagay sa balota tuwing halalan.

Ayon kay Aco, marami sa mga kakilala niya ang ibinoboto ang mga pare-parehong kandidato dahil sa kanilang mga nagagawa at ibinibigay sa mga tao.

"Kasi karamihan po dito sila binoboto sa mga binigay nila sa mga tao... binoboto ko siya dahil nakikita ko mabuti may mga pinamimigay po siya..." aniya.

Ganito rin ang dahilan ni Torres sa pagbota sa mga kandidatong magkakapareho ng apelyido.

"Magandang patakaran, pagkain, nakakatulong rin sa aming bayan," aniya.

Ang pagiging patron tuwing may kailangan ang publiko, gaya ng karanasan ni Aco at Torres, ang ilan sa mga dahilan kaya lumalaki ang mga political families, ayon sa mga eksperto.

Ayon kay Dean Ronald Mendoza ng Ateneo School of Government, madalas na ginagamit ng mga politiko ang pangangailangan ng mga tao para mahalal sila sa pwesto.

"Lahat na 'yan pwede sana natin ayusin para 'di vulnerable ang mga mamamayan pero 'di inaayos yan ng mga fat dynasty precisely because gusto nila kailangan ng patron ng mga mahihirap ng mga nangangailangan," aniya.

"Definitely this is not good for the health of our democracy because democracy thrives on circulation of new blood. The more new entrants you have in a democracy, the healthier your democracy is," paliwanag naman ni Prof. Julio Teehankee ng De La Salle University.

Tinatawag na "fat dynasty" ng mga political scientists ang mga magkakamag-anak na sabay-sabay na humahawak ng elected position.

Base sa paghahain ng kandidatura para sa Halalan 2022, dumarami sila. Ang pandemya, maaari pang makadagdag sa kanilang kapangyarihan.

"Those fat dynasties are bent on making themselves fatter so I would hazard a guess that the trend continues and most likely under a pandemic condition, the incumbents and particularly fat dynasties will have a very very strong advantage... and so this is probably going to be followed by more of them ambitioning for power," ani Mendoza.

"There are a number of dominant political families who are returning to office running for public office and by dominant families these are families who have ascended into power in the past 2 or 3 decades," dagdag naman ni Teehankee.

Maituturing na political dynasty ang isang pamilya kung ang mga miyembro nito ay sunod-sunod o sabay-sabay na humahawak ng pwesto sa gobyerno.

"We called thin dynasties, so si lolo, si anak, si apo... and then the fat dynasties yung nagsasabay-sabay tumakbo," paliwanag ni Mendoza.

"All in all, around 70% of all elected positions in the country are controlled by political dynasties. This is the result of the 2019 elections," ayon naman kay Teehankee.

Ayon sa pag-aaral ni Teehankee, sa kasaysayan ng politika sa Pilipinas, mga 300 pamilya lang ang laging nasa poder ng kapangyarihan mula sa post-war period.

Sa pag-aaral naman ni Mendoza, nakitang karamihan sa pinakamatataas na lokal na posisyon sa mga probinsya ay kontrolado ng dynasties.

"Halimbawa governor, 80% ay mula sa fat dynasty... kapag tiningnan namin ang mga congressman, nasa over 70% ay fat dynasty rin... kapag tiningnan natin ang mga mayor, over half ay fat dynasty," aniya.

Sa National Capital Region (NCR), base sa pagsusuri ng ABS-CBN Investigative and Research Group sa listahan ng lokal na kandidato sa Halalan 2022, lumalabas na tina-target ng political families ang 24 sa 33 na district representative positions, 14 sa 17 posisyon ng mayor, at 7 sa 17 posisyon ng vice mayor.

Lumalabas din na nasa 107 local candidates sa NCR ay galing sa 46 na pamilya sa Metro Manila.

Ang ilan sa kanila, may tumatakbo ring miyembro ng pamilya para sa national positions.

Makikita rin na sa Quezon City mayroong pinakamaraming magkakamag-anak na tumatakbo sa iba't ibang local na posisyon sa lungsod.

Nasa 15 pamilya sa Quezon City ang may mga kandidato sa mayor, vice mayor, congressman at konsehal.

Sunod naman ang Maynila na may 7 pamilya, at Parañaque at Malabon na may tig-4 na pamilya.

May tig-3 pamilya sa Caloocan at Taguig, habang may tig-2 sa Makati, Pasay, Pasig at San Juan.

May tig-iisang pamilya sa Las Piñas, Mandaluyong, Marikina, Valenzuela at Navotas.

Sa Las Piñas rin makikita ang political family na may pinakamaraming kandidato sa NCR na tatakbo sa darating na halalan, mula sa pagka-konsehal hanggang senador.

'BOTANTE PA RIN ANG PIPILI'
Sagot naman ng ilang politikong mula sa political families, katulad ni Rep. Precious Hipolito Castelo ng Quezon City, hinihingi nila ang opinyon ng lahat para sa kanilang mga proyekto.

"Yung aming performance, very inclusive naman kami, di lang particular sa Castelo family or sa mga affiliation natin sa partido or kasamahan. It’s more of we also consult others, and even yung ating hindi man kakampi sa ngayon, we also listen to them kasi eventually, at the end of the day, kailangan talaga dito collective effort, group effort," aniya.

"So actually, we didn’t start out as a dynasty. We were against a dynasty. So ang point ko lang is, you cannot deal with the phenomena short term, and you cannot label [a dynasty] good or evil," paliwanag naman ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Dagdag ni Senador Nancy Binay, karapatan ng sinumang Pilipino na manilbihan sa publiko. Ang importante umano ay dumadaan silang lahat sa pagkilatis at paghusga ng publiko.

Anuman raw ang pangalan nila, ang mga botante pa rin talaga ang pipili kung sino ang dapat maupo sa gobyerno.

"Kahit sinuman ang nagnanais manilbihan bilang isang politiko--popular ka man o ordinaryong Pilipino--ay dumadaan sa proseso, bukas sa pagkilatis at kritisismo. We all subject ourselves to the will of the people. At the end of the day, nasa taumbayan ang kapangyarihang mag-halal o magtanggal," paliwanag ni Binay.

Ayon sa political scientists, nalilimitahan ng mga dynasties ang pagpipilian ng mga botante, at ang ilan, umaabuso ng kapangyarihan.

Pero bunsod din ito ng mahinang sistema ng political parties at kawalan ng anti-political dynasty law.

Ngunit gaya sa mga nakaraang mga halalan, napatunayan na maaari namang makapasok ang mga bagong mukha.

Sa huli, nasa mga botante ang desisyon kung patatabain pa rin ang mga dynasties o pipili ng mga bagong dugo sa politika.

Read More:
Halalan 2022
political families
Julio Teehankee
Ronald Mendoza
politics
governance
Tagalog news
political clans
political dynasties
political dynasties Metro Manila
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT