'Mama's boy': Ina ng binatilyong binaril ng mga pulis-Navotas, inalala ang anak | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Mama's boy': Ina ng binatilyong binaril ng mga pulis-Navotas, inalala ang anak

'Mama's boy': Ina ng binatilyong binaril ng mga pulis-Navotas, inalala ang anak

Champ de Lunas,

ABS-CBN News

Clipboard

Makikitang umiiyak ang 39-anyos na si Rodaliza Baltazar habang tinitingnan ang kabaong ng anak na si Jemboy, 17 anyos, ilang linggo matapos itong mapatay ng mga pulis-Navotas dahil umano sa
Makikitang umiiyak ang 39-anyos na si Rodaliza Baltazar habang tinitingnan ang kabaong ng anak na si Jemboy, 17 anyos, ilang linggo matapos itong mapatay ng mga pulis-Navotas dahil umano sa 'mistaken identity.' Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MANILA — May 3 araw na lang ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Rodaliza Baltazar na makasama ang mga labi ng kanyang anak na si Jemboy.

Ngayong Miyerkules kasi nakatakdang dalhin ang mga labi ni Jemboy sa kanyang huling hantungan sa La Loma Cemetery, ilang linggo matapos mapatay ng mga pulis-Navotas ang binatilyo dahil mapagkamalan umano siyang murder suspect na hinahabol nila.

“Mabait na anak po tapos makulit kasi mama’s boy siya," ani Rodaliza nang inalala si Jemboy na bunso sa 3 magkakatapatid.

"Lagi niyang sinasabi mama huwag ka na umalis, aalis ka na naman iiwanan mo na naman ako,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT

Bagama't malapit si Jemboy sa ina, sinabi ni Rodaliza na lumalabas na 10 taon lang niyang nakasama ang anak dahil sa pagtatrabaho niya sa Qatar, Saudi Arabia, at Kuwait bilang domestic helper.

Pero ayaw sanang mawalay ng binatilyo sa ina.

“Gusto niya po andito ako sa Pilipinas pero siyempre po... nangangarap po ako na... makatapos sila ng pag-aaral,” ani Rodaliza.

Pangarap niya para sa kanyang anak na maging seaman. Kalaunan, naging pangarap na rin ito ni binatilyo.

Tumigil sa pag-aaral si Jemboy noong nakaraang taon. Ayon kay Rodaliza, tutungtong na sana sa Grade 10 ang anak ngayong darating na pasukan.

ADVERTISEMENT

Habang hindi nag-aaral, ume-extra bilang mangingisda si Jemboy tulad ng kanyang amang si Jessie.

Mahigit 2 taon nang huling magkita ang mag-ina dahil sa pananatili ni Rodaliza sa Qatar.

Pero noong Agosto 2, nabaril at napatay ng 6 na pulis si Jemboy malapit sa kanilang bahay sa Brgy. NBBS Kaunlaran sa Navotas City dahil umano sa "mistaken identity."

“Sana hindi na lang po ako umalis. Sana siguro hindi nangyari ito sa kanya. Sana naalagaan ko siya. Sana nasabihan ko siya 'huwag kang pumunta diyan ganito gawin mo,' pero huli na po eh. Magsisi man ako, nangyari na po,” sabi ni Rodaliza.

Hindi pa nakakaharap ng mag-asawa ang mga pulis na sangkot sa pagkamatay ni Jemboy.

ADVERTISEMENT

"Masakit pa sa akin," ani Jessie, ama ni Jemboy.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.