FACT CHECK: ‘Di sinabi ni Robredo na bubuo siya ng bagong gobyerno at makikipag-alyansa sa CPP at NPA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: ‘Di sinabi ni Robredo na bubuo siya ng bagong gobyerno at makikipag-alyansa sa CPP at NPA

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Jun 11, 2022 08:49 PM PHT

Walang sinabi si Vice President Leni Robredo na bubuo siya ng alyansa kasama ang Communist Party of the Philippines at New People’s Army na tatawagin nilang “Angat Buhay Alliance.” Hindi rin totoong magtatatag ang alyansang ito ng isa umanong “New Government.”

Taliwas ito sa ipinakakalat ng isang Twitter account na “Angat Buhay New Government” na may handle na @NewGovOrgABF.

Hindi “Angat Buhay Alliance” kundi “Angat Buhay NGO” ang inanunsyo ni Robredo na kanilang itatayo upang maipagpatuloy ang bolunterismong nabuo ng mga taga-suporta niya noong kampanya.

Kung susuriin ang imahe na may pinekeng pahayag ni Robredo o quote card, mapapansing hinango lamang ang disenyo nito mula sa mga tunay na quote cards na inilalabas ng kampo ni Robredo. Pinagtagpi-tagpi ang mga bahagi ng imahe mula sa iba’t-ibang tunay na art cards na naka-post sa opisyal na “VP Leni Robredo” Facebook page.

Ginamit din ang orihinal na logo ng Angat Buhay program ni Robredo at nilapatan ng mga salitang “NEW GOVERNMENT ORGANIZATION” sa itaas at “FOUNDATION” naman sa ibabang bahagi.

Hindi rin ito ang unang beses na nagpakalat ng maling impormasyon ang Twitter account na “Angat Buhay New Government.” Sa katunayan, naglabas na ng “Fake News Advisory” ang kampo ni Robredo noong Mayo ukol dito.

“Hindi po konektado sa Office of the Vice President o kay VP Leni Robredo ang Twitter account na ‘Angat Buhay New Government’ o @NewGovOrgABF,” ayon sa pahayag.

Simula pa noong Marso 13 ay pinabulaanan na ni Robredo ang mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa ugnayan umano niya sa CPP, NPA, at NDF.

- With research from Ciara Annatu, ABS-CBN Investigative & Research Group
ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.
Read More:
Leni Robredo
Angat Buhay
NGO
Communist Party of the Philippines
CPP
New People’s Army
NPA
National Democratic Front
NDF
Disinformation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT