FACT CHECK: Hindi totoong P820 na ang minimum wage simula Hulyo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Hindi totoong P820 na ang minimum wage simula Hulyo

FACT CHECK: Hindi totoong P820 na ang minimum wage simula Hulyo

ABS-CBN Investigative and Research Group

Clipboard

FACT CHECK

Hindi totoong magiging P820 na ang minimum wage sa bansa simula Hulyo 1, taliwas sa kumakalat na video sa social media.

Isa sa mga nasabing video na kumakalat ay in-upload sa TikTok ni user @marcofontanilla6190. Dito ay makikitang isinusulat niya ang mga salitang “Minimum Wage 820 pesos, start July 1, 2022 #BMM.”

Nilapatan rin ang nasabing video ng tekstong “Good News !!!! Naisabatas na !!!!”

Pero hindi aabot sa ganitong halaga ang inaprubahang umento sa minimum wage nitong buwan ng Mayo, ayon sa mga opisyal na pahayag ng pamahalaaan.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Wage Order No. NCR-23 na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – NCR noong ika-13 ng Mayo, P33 lamang ang dagdag sa minimum wage sa National Capital Region (NCR). Ibig sabihin nito, magiging P570 na ang minimum na arawang sahod ng mga manggagawa sa non-agricultural na sektor samantalang P533 naman ang sa mga nasa sektor ng agrikultura sa NCR.

Ayon naman sa Wage Order No. RBVI-26 na inilathala ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board VI noong Mayo 20, sa Western Visayas ay magiging P450 na ang minimum na arawang sahod ng mga empleyado sa non-agriculture na sektor, P420 sa mga nasa industrial at commercial establishments, at P410 naman sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura simula Hunyo 5.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 125,000 likes at 12,700 ang comments ng TikTok video na may caption na “GOOD NEWS PO!!!! LALAKI NA SAHUD NG MANGGAGAWA!!! #bbmfor2022president #fyp 😍👈.”

Ayon sa social media monitoring tool na CrowdTangle, mayrooon ng 270 shares at 39 reactions ang nasabing video sa Facebook.

- With research from Ciara Annatu, ABS-CBN Investigative & Research Group

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.