FACT CHECK: Hindi totoong Angat Buhay Foundation na ang tawag sa Liberal Party | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Hindi totoong Angat Buhay Foundation na ang tawag sa Liberal Party

FACT CHECK: Hindi totoong Angat Buhay Foundation na ang tawag sa Liberal Party

ABS-CBN Investigative and Research Group

Clipboard

FACT CHECK: Hindi totoong Angat Buhay Foundation na ang tawag sa Liberal Party

Hindi totoong Angat Buhay Foundation na ang itatawag sa Liberal Party matapos ‘di umano itong mag-“rebrand,” taliwas sa kumakalat sa Facebook.

Mariing pinabulaanan ito ni Liberal Party Vice-President for Internal Affairs Teodoro “Teddy” Baguilat Jr. sa isang text message sa ABS-CBN Fact Check Team.

“Totally untrue. LP remains committed to building a people's party of grassroots membership and pushing for stronger political parties.”

Dagdag pa ni Baguilat, ang Angat Buhay NGO ay pinaplano pa lamang na ilunsad ni outgoing Vice President Leni Robredo upang palawigin pa ang bolunterismo na kanyang namalas noong kanyang termino at kampanya. Naglalayon daw nitong maipatupad ang mga programang pangkaunlaran para sa bansa.

ADVERTISEMENT

“It’s meant to be apolitical and non-partisan,” dagdag pa ni Baguilat.

Ayon kay Baguilat, nais lamang manggulo ng nagpapakalat ng maling impormasyon na ito.

“This false news is being propagated to sow division and intrigue among the volunteers.”

Bagaman si Robredo ay kasalukuyang Chairperson ng Liberal Party, ang organisasyong kaniyang ilulunsad ay isang Non-Government Organization (NGO).

Ayon sa depinisyon mula sa Republic Act No. 8425 o ang “Social Reform and Poverty Alleviation Act,” ang mga NGO ay mga rehistradong “non-stock, non-profit” na organisasyon na nakatutok sa pagpapaunlad sa mga napag-iiwanang mga sektor ng lipunan sa pamamagitan ng pagsagawa ng iba’t ibang programa para sa kanila.

ADVERTISEMENT

Noong Mayo 13, sa thanksgiving event para sa kanyang mga taga-suporta, inihayag ni Robredo ang kanyang planong ilunsad ang Angat Buhay NGO sa Hulyo 1 para palawigin pa ang bolunterismo sa bansa at maipagpatuloy ang pagtulong sa mga nangangailangan.

“Itutuloy natin ang ating pagsasama-sama. Bubuuin natin ang pinakamalaking volunteer network sa kasaysayan ng ating bansa. Tuloy tayo sa pagtungo sa mga nasa laylayan, at sa pag-aambagan para umangat sila,” ani Robredo.

Sa ngayon, ang nasabing Facebook post na may maling impormasyon ay mayroon nang 654 reactions at 131 shares.

- With research from Yev Monarquia, ABS-CBN Investigative & Research Group

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.