Babaeng naputulan ng paa sa Bar exam bombing, wagi sa halalan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng naputulan ng paa sa Bar exam bombing, wagi sa halalan

Isay Reyes,
ABS CBN News
Published May 16, 2019 10:10 PM PHT
|
Updated May 16, 2019 11:59 PM PHT

SAN JUAN ― Unang nakilala si Raissa Laurel bilang isa sa mga biktima ng "Bar exam bombing" sa De La Salle University noong September 26, 2010.

Second year law student noon si Raissa sa San Sebastian College nang maputulan siya ng paa dahil sa insidente.

Marami ang taong naawa sa kaniya dahil ang layon n'yang tumulong noon sa mga kaibigang law student ay nauwi sa kalunos-lunos na pangyayari. Sa hindi inaasahang pangyayari, sumabog mismo sa harapan ni Raissa ang kahong naglalaman ng bomba, dahilan para putulin ang dalawa niyang paa.

Pero ang inakala ng marami na kaniyang kawalan ng pag-asa, siyang naging susi para makilala ang tapang ng isang Raissa Laurel ― ang bumangon mula sa matinding unos para makapaglingkod sa bayan.

ADVERTISEMENT
Hindi naging madali noong una ang karanasan ni Raissa. Nang maputulan siya ng paa, may mga pagkakataong kinwestyon n'ya ang Panginoon kung bakit sa kaniya nangyari ito, kuwento nito sa ABS-CBN News.

“Normal po sa isang tao to be very emotional about something. Kumbaga naiisip ko na wala naman akong kinalaban na tao pero bakit sa akin nangyari ito,” aniya.

Imbes na magmukmok, ipinagdasal n'ya sa Diyos na ipakita sa kaniya ang daan na dapat n'yang tahakin. Nagbago na kasi ang lahat para sa kaniya noon dahil wala na siyang paa, hindi rin niya maipapagpatuloy ang pag-aaral ng abugasya.

Kuwento n'ya, "Naisip ko na lang na may purpose po lahat, instead na magmukmok ako. Kasi nung time na 'yun hindi po talaga ako makalakad. Pinapa-heal pa 'yung wounds ko."

Kasabay ng kaniyang pagsuko na maintindihan ang lahat ng nangyayari, nagsimula siyang maniwala na dadalhin siya ng Diyos kung saan siya dapat. Bumuhos ang tulong mula sa iba’t ibang mga pribadong indibidwal. Inalala n'ya kung paano sila nagulat na naayos ng mga taong hindi man lang n'ya nakilala ang mga bayarin nila sa ospital.

Malaki aniya ang naging kontribusyon dito ng mga taga-San Juan dahil isa rin siyang residente ng siyudad.

Lumapit kay Raissa ang Nippon Foundation mula sa Japan at ang Exceed Prosthetics and Orthodontics para tulungan siyang mabigyan ng prosthetic legs at dahil dito, nakalakad muli si Raissa.

“Actually hindi ko pa po alam kung paano makakalakad at that time. May foundation po na tumulong sa akin, that’s Nippon Foundation. That's based in Japan so sakto po nandito sila sa Philippines. 'Yung Exceed, sila po ang gumagawa ng legs ko hanggang ngayon”

Habang kumukuha ng lakas para muling makabalik sa pag-aaral, nabuo ni Raissa ang kaniyang adbokasiya at dito unti-unting naging klaro sa kaniya ang bago niyang layunin sa buhay.

Aminadong mahirap na basta sabihin ang maging matatag dahil siya mismo, nagpapagaling pa lang ng mga oras na iyon.
Aminadong mahirap na basta sabihin ang maging matatag dahil siya mismo, nagpapagaling pa lang ng mga oras na iyon.
ADVERTISEMENT
“Nag decide ako to rise up, kaya 'yun 'yung advocacy ko eh. Tumayo despite the challenges sa life or struggles and never give up sa life. Mahirap sabihin pero kung talagang alam mong worth it saka alam mong nandiyan si Lord, may purpose lahat, masu-surpass mo lahat ng nadaanan mo sa buhay,” sabi ni Raissa.

Nagsimula siyang maging motivational speaker para sa ibang mga Pilipinong dumadaan sa pagsubok sa buhay. Naging National President siya ng Leo Clubs Philippines, ang youth organization ng Lion’s Club. Kalauna’y naging presidente rin siya ng Lion’s Club ng Greater San Juan City, at naging brand ambassador ng Exceed Worldwide, ang kumpanyang gumagawa ng prosthetic legs para sa mga nangangailangan.

Bumalik si Raissa sa pag-aaral ng abugasiya at sinubukang makapasa sa Bar exams noong 2015 ngunit hindi siya pinalad.

Tulad ng isang kotse, parating pinapaayos ni Raissa ang kaniyang prosthetic legs. Laking pasasalamat niya sa Nippon Foundation dahil hanggang ngayon ay libre parin ang kaniyang maintenance.

“Para kasing siyang kotse, ime-maintain mo. 'Pag nag-iba 'yung shape, kailangan mong ibalik, ipapagawa mo ulit. It's a lifetime process na kailangan every now and then intact siya, safe siya, sakto siya sayo.”

Malaking kawalan kung iisipin ang makalakad nang tama pero hindi n'ya iniinda na tila may kakaiba sa kaniya. Patuloy lamang siya sa pagkilos at sa gawain tulad ng ibang tao na kumpleto ang paa.

Pagpasok sa pulitika
Hindi pinlano ni Raissa ang pagpasok sa pulitika. Kumuha siya ng abugasya dahil ito ang pangarap n'ya pero kung saan man siya dinadala ng mga pangyayari, naniniwala siyang tinawag siya rito ng Panginoon.

“Law student pa ako noon at ang plano ko lang siyempre ay maka-graduate sa law school at maging lawyer. Nung nangyari 'yung pagsabog, nagbago lahat.

Pinapangarap ko lang naman is makapasa ng Bar, maging abogado pero inilagay n'ya ako kung nasaan ako ngayon,” sabi ni Raissa.

“'Pag inaalala ko, iba talaga 'yung plano ni God. Nag-take ako ng Bar pagkatapos ko mag-graduate, 2015 pero hindi ako nakapasa kaya sabi ko iba talaga ang plano ni God,” dagdag n'ya.

Ang partido ni San Juan Mayor Guia Gomez ang nag-imbita kay Raissa para sumali at tumakbo bilang konsehal ng siyudad. Noong una ay akala niya, magiging legal adviser siya ng partido ng Puwersa ng Masang Pilipino pero hinikayat siyang tumakbo bilang konsehal.

Ang mga Ejercito-Estrada ang nagturo kay Raissa sa kaniyang karera sa pulitika. Sa loob ng kaniyang opisina, nakapaskil ang litrato nina dating Presidente Joseph Estrada, dating senador Jinggoy Estrada, Senator JV Ejercito, San Juan Mayor Guia Gomez, at Vice Mayor Janella Ejercito Estrada.

Modelo aniya ang istilo ng panunungkulan si Mayor Guia Gomez, na malapit sa tao bilang ina at masipag sa pagtatrabaho.

“Naging close ako sa kanila syempre noong 2015 nung nagkasama kami. I look up to Mayor Guia. She’s very motherly and 'yung heart niya to serve. She’s so pure lang talaga. Nakita ko na grabe 'yung service,” kuwento nito.

Maayos umanong katrabaho ang mga Ejercito-Estrada. Hindi umano matatawaran ang dedikasyon nila sa serbisyo para sa mga San Juaneños.

“Hindi lang po nakikita ang lahat ng accomplishments but 'pag nakita niyo pong lahat, sobrang dami po talaga nilang nagawa,” aniya.

Tatlong komite ang pinamumuan ng bagong konsehal sa unang tatlong taon n'ya sa termino:

- social services kabilang ang mga proyekto para sa mga kababaihan at kabataan, PWD o persons with disabilities, at senior citizens

- laws, ethics at justice na nakasaklaw sa legal matters sa siyudad kabilang ang mga kontrata

- public order at safety kung saan nakapaloob ang rehabilitation programs para sa drug surrenderees
- public order at safety kung saan nakapaloob ang rehabilitation programs para sa drug surrenderees
ADVERTISEMENT
“As a first-term councilor, responsibilities ko po ay na-stretch talaga pero naniniwala naman po ako na nag-deliver ako. Marami naman din po akong naipasa although hindi nakikita ng lahat 'yun,” sabi ni Raissa.

“Fulfilling naman po na literal na may ginagawa ka para sa San Juan, para sa bayan. Looking back, may purpose kaya nandito ako. Okay naman po, fulfilled ako,” dagdag pa niya.

Hindi naging madali ang una niyang sabak dahil wala pa siyang gaanong alam sa pamamalakad pero tinulungan siya ng mga kapwa konsehal, lalo’t ng pamilya ng mga Estrada.

Naniniwala si Raissa na malaking bahagi ng kaniyang pagkapanalo sa pulitika ay ang nakita ng tao na pagbangon n'ya mula sa aksidente. Noong 2016 campaign, binansagan n'ya ang sarili na "Ang Batang Palaban para sa San Juan."

“Siguro nakita nila paano tumayo itong batang ito, palaban. Nakita rin po nila iyon and siyempre new face so nakilala po nila ako and also 'yung background. Siguro po applicable pa rin 'yung being a law graduate and as a legislator ang trabaho ko is to pass laws and ordinances, so may background po.”

Habang nakaupo bilang konsehal, ilang ordinansa at mga resolusyon ang naipasa ni Raissa:

- City Ordinance No. 90-2018 – Creating the City Anti-Drug Abuse. Council (CADAC) Office sa San Juan
- City Ordinance No. 58-2018 – Adopting and Implementing the provisions of R.A. No. 9344 specifically on the prescribed Local Juvenile. Intervention/ Restoration and Diversion Programs, providing funds therfore and for other purposes in the City of San Juan
- City Ordinance No. 71-2018 – Exempting all senior citizens of San Juan City from payment of initial rate for parking fees in establishments, malls, hospitals, parking areas, or any similar place charging the same situtated within the territorial jurisdiction of the City and providing penalties for violations thereof
- City Ordinance No. 83-2018 – Prescribing safety measures in refueling at gasoline stations within the City of San Juan and providing penalties for violations thereof
- City Ordinance No. 10-2017 – Providing benefits to all registered indigent Persons with Disability (PWD) under the Office of the City Social Welfare Department (CSWD)/ Persons with Disability Affairs Office (PDAO) and providing funds for the purpose.
- City Resolution No. 30-2018 – Declaring the 2nd Sunday of September and every year thereafter, as Grandparents Day in the City of San Juan, as honor and tribute to all San Juaneño Grandparents

Sa ilalim ng partido ng kaniyang kasabayang si Vice Mayor Janella Ejercito-Estrada na anak, tumakbo ulit bilang konsehal si Raissa. Pangatlo sa may pinakamataas na botong nakuha mula sa mga ‘San Juaneños’, nakakuha si Raissa ng 15,057 na boto.

Simple, palakaibigan, at malapit sa mga empleyado ng city hall. Layon ni Raissa na ipagpatuloy ang mga nasimulan nang programa.

“Ginawa ko po 'yung job ko excellently kasi nakakahiya sa mga San Juaneño. Sa abot ng aking makakaya, ginagawa ko po 'yung best ko,” sabi ni Raissa.

Hindi sikreto para sa mga tao ang suporta ng konsehala sa mga Estrada dahil utang na loob n'ya sa pamilya kung bakit siya nagkaroon ng oportunidad na mapasok sa pulitika.

“Sila po 'yung unang nagtiwala at naniwala po sa akin kasi siyempre bago ako eh pero pinagkatiwalaan nila ako,” aniya.

Aminado si Raissa na mas mahirap ang laban ngayong midterm elections dahil kailangan may napatunayan na siya sa mga San Juanenos.

“First time kasi syempre magpapakilala ka, bago ka. Second term kailangan mo na ilatag sa mga tao kung ano ang mga nagawa mo bilang pulitiko at dahil ba doon, dapat ka bang iboto pa rin.”

Ngayong natalo ang mga Ejercito-Estrada sa San Juan, apektado rin si Raissa. Hindi pa aniya nakakausap ang mga natalo sa nakaraang eleksyon.

“In the process pa rin kasi totoo, masakit. May purpose si Lord. hindi ko pa sila nakakausap pero sana makausap ko sila just to encourage."

Pero nananaig ang dasal ng ng batang politiko para sa lungsod.

“Kasi medyo naging divided po ang San Juan, so I just pray na maging united na po ang San Juan, mag-heal lahat because affected lahat for the past few years since 2016,” sabi ni Raissa.

Proyekto sa lungsod
Layon ni Raissa na ipagpatuloy ang kaniyang mga nasimulang proyekto sa San Juan kahit na maiiba na ang nakaupong mayor. May mga proyekto siyang malapit sa kaniyang puso tulad ng mga feeding program para sa mga bata, values formation, mga proyekto para sa kababaihan at para sa mga katulad n'yang persons with disabilities. Nais rin n'yang magkaroon ng benepisyo ang mga indigent sa siyudad.

Bilang isang PWD, nais isulong ni Raissa ang striktong implementasyon ng mga benepisyo para sa PWDs. Naikwento n'ya na kapag nagpupunta siya sa ibang bansa, nakikita n'ya kung gaano nabibigyan ng importansya ang PWDs doon.

“Sa situation ko, talagang sumasakay ako ng public transportation, hindi ako nagka-cab. Talagang nagte-train ako or nagba-bus ako. Gusto ko pong makita kung ano 'yung difference kasi nagagawa nila sa kanilang bansa, sana magawa rin sa Philippines,” aniya.

Nais ihambing ni Raissa sa mga pribilehiyo ng mga PWD sa ibang bansa ang mga maaari sanang ibigay sa mga PWD sa Pilipinas.

“Noong 2016 nag-intern ako sa World Health Organization sa Geneva. Ako lang mag-isa pero nakaya ko naman. Sana dream ko rin sa Philippines eh maging accessible. Hindi po mahirapan ang PWDs sa pagpunta po kung saang lugar nila gusto. Dito kasi sa Pilipinas mahirap eh. Wheelchair, even sa elevators nakikipag-unahan pa. Sa ibang bansa papaunahin ka talaga eh,” kuwento n'ya.

“Babae po ako at isang PWD so more of ito po 'yung advocacy ko 'yung sa labas ng San Juan, nagmo-motivational speaker pa rin po ako. Integrity siyempre lahat po ng ginagawa ko, dapat nandun parin ang integrity natin. Saka service, kumbaga give back dahil noong ako po 'yung nandoon sa situation na iyon, natulungan po ako ng maraming tao so ngayon I want to give back,” aniya.

Personal na buhay
Nagpakasal si Raissa sa kaniyang long-term boyfriend noong 2012, dalawang taon matapos ang aksidente. Wala pa silang anak pero pinag-uusapan aniya itong mag-asawa.

“Hopefully po tignan natin, this year or next year. Kahit daw po isa. Ako po iniisip ko po kasi baka mahirapan ako kasi amputee ako so we really need to prepare for it kasi siyempre gusto namin magkaroon ng kahit isang kid. We’re praying about it. I don’t plan anymore eh, bahala nalang na sa kung ano ang nangyayari,” ani Raissa.

Kasama ng kaniyang asawa, aktibo si Raissa sa kanilang simbahan bilang isang worship leader.

“Weekends I serve sa church. My husband and I are part of the music team so worship leaders po kami. We’re active po sa church namin, sa Victory Ortigas," kuwento n'ya.

Sa kaniyang karera, nakakuha na siya ng iba’t ibang parangal tulad ng Most Outstanding Person with Disability noong 2014; Natatanging Batang San Juan noong 2011; at People of the Year – Special Awardee ng People Asia Magazine noong 2011.

Noong nangyari ang pagsabog taong 2010, isinuko na raw ni Raissa sa Panginoon ang lahat ng puwedeng mangyari sa kaniyang buhay. Isang salita sa Bibliya ang pinanghahawakan n'ya hanggang ngayon at ito ang nag sisilbing lakas at sandigan n'ya.

“Ang binitawan N'ya noon ay 'I am with you. I am with you wherever you go. Kung saan Kita ilagay, mag e-excel ka diyan kasi diyan Kita nilagay.' Pinapangarap ko lang naman is makapasa ng Bar, maging abogado pero inilagay niya ako kung nasaan ako ngayon."

“I feel na kailangan ako rito kaya ako nandito ngayon,” sabi ni Raissa.