FACT CHECK: Babakat ba ang tinta sa ibang pangalan sa likod ng balota? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Babakat ba ang tinta sa ibang pangalan sa likod ng balota?

FACT CHECK: Babakat ba ang tinta sa ibang pangalan sa likod ng balota?

ABS-CBN Investigative and Research Group

Clipboard

FACT CHECK: Babakat ba ang tinta sa ibang pangalan sa likod ng balota?

Hindi totoo ang kumakalat ngayon sa text, chat groups, at social media na maaaring tamaan ang pangalan ng ibang kandidato kung babakat ang shade mula sa likuran ng balota. Ito rin daw ang magiging dahilan para hindi bilangin ng vote counting machine ang boto.

Mariin itong pinabulaanan ng COMELEC. Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, hindi ito totoo dahil wala namang magkakatapat na oval sa likod at harap ng balota.

“Fake news. Wala pong oval na magkatapat back and forth sa lahat ng positions,” ani Garcia sa isang mensahe na ipinadala sa ABS-CBN Fact Chek Team.

Ayon sa isa sa mga mensaheng kumakalat, naging sanhi ng error di umano ang bumakat na shade sa balota noong nagsagawa ng machine testing.

ADVERTISEMENT

“Ballots are back 2 back pages. Siguraduhin na hinde tatamaan ng shade sa likod ang president at vice president sa harap. Otherwise, hinde babasahin ng machine. Pumili ng partylist na hinde tatapat sa president at vice sa harap. Yan daw ang napansing error kahapon during the machine testing”

Sa isa pang mensaheng kumakalat, nabanggit din ang pangalan at opisina ni dating Senador Bam Aquino, campaign manager ni Vice President Leni Robredo, na diumano’y siyang nakaranas ng error sa testing.

Pahayag naman ni Garcia sa isang press conference kahapon, wala pa silang natanggap na report mula sa kampo ng dating Senador.

“Wala rin kaming nare-receive na complaint... official complaint or formal complaint.... Kasi otherwise kung totoo ’yun malamang-lamang na meron na na-file sa amin kaagad,” ayon kay Garcia.

Sinubukan ng ABS-CBN Fact Check Team na kunin ang panig ni dating Senador Bam Aquino tungkol dito pero hindi pa ito nagbibigay ng pahayag sa oras na isinusulat ang fact check na ito.

Sinigurado naman ng COMELEC na mayroon silang “contingency procedures” kung sakaling magkaroon ng aberya sa mga VCM.

ADVERTISEMENT

"The election will still continue. May balota naman, hihiramin lang ang makina... Kapag may bakante na tayong VCM, yun na ang gagamitin natin. Batch feeding na lang,” ayon kay Commissioner Marlon Casquejo.

Pinaalalahanan din nila ang mga botante na siguruhing itiman ang buong oval sa kaliwa ng pangalan ng ibobotong kandidato.

Basahin dito ang ilang gabay sa pagboto sa darating na Lunes, Mayo 9:

- With reporting from Ann Charrize Calusa, ABS-CBN Investigative & Research Group

ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.