ALAMIN: Mga paalala ng Comelec sa pagboto ngayong #Halalan2022 | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga paalala ng Comelec sa pagboto ngayong #Halalan2022

ALAMIN: Mga paalala ng Comelec sa pagboto ngayong #Halalan2022

ABS-CBN News

Clipboard

Lumahok sa mock elections ang ilang botante sa the Padre Zamora Elementary School, Pasay City, Disyembre 29, 2021. George Calvelo, ABS-CBN News/File 
Lumahok sa mock elections ang ilang botante sa the Padre Zamora Elementary School, Pasay City, Disyembre 29, 2021. George Calvelo, ABS-CBN News/File


MAYNILA — Makasaysayan ang paparating na halalan dahil sa kauna-unahang pagkakataon, gagawin ang pagboto ng mga national leader sa gitna ng pandemya.

Ano nga ba ang mga kailangang tandaan sa pagboto? Ayon sa Commission on Elections, magkakaroon ng bahagyang pagkakaiba mula sa karaniwang proseso ng pagboto dahil sa COVID-19.

Narito ang ilang paalala mula sa Comelec.

Saan maaaring makita ang presinto kung saan ako boboto?

Watch more News on iWantTFC


Ngayon pa lamang ay maaari nang alamin ng mga botante kung saang presinto sila dapat bumoto sa pamamagitan ng online precinct finder ng Comelec.

ADVERTISEMENT

Sa mismong araw ng halalan, sasalubong sa mga botante sa eskuwelahan o polling place ang isang voter’s assistance table kung saan makakakuha ng information sheet. Maaari ring makita rito kung saang presinto dapat bumoto.

Ano ang aking dapat suotin?

Walang dress code para makaboto, ngunit paglilinaw ng Comelec, kinakailangang magsuot ng face mask habang bumoboto para mapangalagaan ang kalusugan ng bawat isa.

Ano ang mangyayari sa pagpasok sa polling place?

Bago pumasok sa polling place, kinakailangang i-check ang temperatura. Kung mas mataas ito sa 37 degrees Celsius, kinakailangan munang maghintay at ulitin ang pagkuha nito.

Pagpasok sa polling place, kailangang nakapila nang maayos na may distansyang 1 metro.

Anong mangyayari kung mas mataas pa rin sa 37 °C ang aking temperatura matapos ang ilang ulit na pag-check?

Kung hindi bababa ng 37 °C ang temperatura ng isang botante kahit ilang ulit na itong kinuha, may mga tauhan ang Comelec na nakasuot ng personal protective equipment na magdadala sa kaniya sa isang "isolation polling precinct".

ADVERTISEMENT

Dito siya papaupuin at bibigyan ng balota mula sa kaniyang presinto.

Matapos ang pagboto, pagsasama-samahin lahat ng mga balota ng mga botante sa IPP. Sa pagtatapos ng oras ng pagboto, dadalhin ang mga balota sa mga presinto at ipapasok sa vote counting machine o VCM.

Watch more News on iWantTFC

Kinakailangan bang magdala ng ID?

Ayon sa Comelec, hindi kinakailangang magdala ng ID ngunit mas makakabuting bitbit ito sakaling magkaroon ng anumang problema.

Ano ang maaaring dalhin sa loob ng polling precinct?

Puwedeng magdala ng listahan o "kodigo" ng mga ibobotong kandidato.

Maaari ring dalhin ang iyong cellphone kung dito nakalista ang iboboto.

ADVERTISEMENT

Pero ipinagbabawal ang pagkuha ng larawan ng balota. Dagdag ng Comelec, hangga't maaari ay iwasan ang pagkuha ng mga selfie habang bumoboto.

Paano dapat i-shade ang balota?

Siguraduhing i-shade o itiman nang maayos ang bilog sa tapat ng pangalan ng iyong napiling kandidato. I-double check nang mabuti bago mag-shade.

Maaaring mag-"undervote" ngunit hindi puwedenng mag-"overvote".

Ibig sabihin, tig-isang kandidato lamang sa pagka-pangulo at bise presidente ang maaaring piliin. Maaaring pumili ng mas kaunti sa 12 senador ngunit hindi maaaring pumili ng higit sa 12.

Kapag sumobra ang pinili sa balota, hindi isasama sa bilang ang boto sa posisyon kung nag-overvote ngunit bibilangin pa rin ang mga ibinoto sa ibang posisyon.

ADVERTISEMENT

Ipinapaalala rin ng Comelec na nasa likod ng balota ang listahan ng mga pagpipiliang party-list. Anila, maraming mga botante ang nakaligtaang pumili ng party-list noong nakaraang halalan dahil hindi nila tiningnan ang likod ng balota.

Anong dapat gawin matapos bumoto?

Gamitin ang ballot secrecy folder at dalhin ang balota sa vote counting machine. Walang ibang dapat makakita ng balota habang ipinapasok ito sa VCM.

Anong dapat gawin matapos ipasok ang balota sa vote counting machine?

Huwag kalimutan ang indelible ink bilang tanda ng pagboto.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.