FACT CHECK: Di totoong may nagbabanta nang super typhoon Caloy ngayong linggo | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FACT CHECK: Di totoong may nagbabanta nang super typhoon Caloy ngayong linggo

FACT CHECK: Di totoong may nagbabanta nang super typhoon Caloy ngayong linggo

ABS-CBN Investigative and Research Group

Clipboard

FACT CHECK: Di totoong may nagbabanta nang super typhoon Caloy ngayong linggo


Hindi totoong may isang super typhoon “Caloy” na malapit na umanong mananalasa sa Luzon, taliwas sa 3 pekeng video na inupload ng YouTube channel na “CNTV” noong Mayo 2 at 3.

Ayon kay ABS-CBN resident meteorologist Ariel Rojas, nalusaw na ang low pressure area na binantayan sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) nitong Miyerkoles. Wala rin aniyang weather disturbance na inaasahan hanggang sa susunod na linggo.

Caloy ang ipapangalan sa susunod na bagyong papasok sa PAR ngayong taon, kasunod ng bagyong Basyang nitong Abril.

Ginamit sa mga pekeng video ang lumang satellite images ng iba’t ibang bagyo.

ADVERTISEMENT

Ipinatong din sa 2 video ang boses nina PAGASA weather specialists Aldczar Aurelio at Obet Badrina mula sa kanilang reports noong Mayo 3. Sa isa pang video, ipinatong naman ang boses ni PAGASA weather specialist Ana Clauren-Jorda mula sa kaniyang ulat noong Mayo 2.

Nilapatan din ang mga pekeng video ng mapanlinlang o “clickbait” na titulo. Ang unang pekeng video ay nilagyan ng titulong “SIGNAL NO. 4! BAGYONG CALOY, DOBLE ANG LAKAS SA ODETTE AT AGATON!”

Habang ang 2 pang pekeng video, na inupload sa magkaparehong araw, ay may titulong “SIGNAL NO. 4! BAGYONG CALOY, DOBLE ANG LAKAS SA AGATON! TATAMA SA LUZON!” at “SIGNAL NO. 4! BAGYONG CALOY, DOBLE ANG LAKAS SA AGATON! SUPER TYPHOON NA!”

Nitong Abril, nag-upload din ang YouTube channel na ito ng mga pekeng video na sinasabing tatama sa buong Luzon ang isa umanong super typhoon “Carlo” na wala naman sa mga pangalan ng bagyong inilabas ng PAGASA para sa taong ito.

FACT CHECK: Di totoong may nagbabanta nang super typhoon Caloy ngayong linggo

FACT CHECK: Di totoong may nagbabanta nang super typhoon Caloy ngayong linggo

Ginamit din sa mga pekeng video na ito ang mga lumang satellite image ng tropical cyclones at boses ng ilang PAGASA specialists na mula sa kanilang mga weather report.

ADVERTISEMENT

Sa 2 sa mga pekeng video, ginamit ang boses nina Aurelio at Jorda mula sa kanilang report noong Abril 25. Sa isa pang pekeng video, ginamit ulit ang boses ni Jorda na mula naman sa kanyang report noong Abril 27.

May mga nauna nang pekeng video tungkol sa bagyo na na-fact check ang ABS-CBN. Gaya ng ginawa ng CNTV YouTube Channel, ginamit din sa mga naunang video ang mga tinahi-tahing satellite images, boses ng mga PAGASA expert at “clickbait” na titulo.

Kung titingnan ring mabuti ang mga pekeng video ni CNTV, makikita ang logo ng isang “MJ Journals.”

Na-fact check na ng ABS-CBN ang YouTube channel na MJ Journals dahil sa post nito patungkol sa diumano’y paparating na bagyong Arlene at sa diumano’y pagpapahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sasabak sa giyera ang Pilipinas.

Sa ngayon, burado na ang mga video na ito at wala na rin ang channel na “MJ Journals” sa YouTube. Gayunman, aktibo pa rin ito sa Facebook at makikitang ipinopost nito ang ilang video mula sa CNTV.

ADVERTISEMENT

May mahigit 92,000 likes at 98,000 followers ang Facebook page na MJ Journals, habang may mahigit 240,000 subscribers naman ang YouTube Channel na CNTV.

Nagpaalala si ABS-CBN resident meteorologist Ariel Rojas sa publiko na sa mapagkakatiwaalang sources lamang kunin ang mga balitang tungkol sa lagay ng panahon.

“Get your weather news only from reliable sources: PAGASA, media organizations, & meteorologists. They are on social media so there’s no excuse not to get the correct weather information,” sabi ni Rojas.

– With research from Mildred Mira, ABS-CBN Investigative & Research Group

ABS-CBN News is a part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.