TIPS: Paano kontrahin ang epekto ng 'Long COVID' | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TIPS: Paano kontrahin ang epekto ng 'Long COVID'

TIPS: Paano kontrahin ang epekto ng 'Long COVID'

Robert Mano,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Hulyo noong nakaraang taon nang ma-confine ng 9 na araw si Edward de Guzman dahil sa COVID-19.

Agosto 2020 ay nadeklara siyang "COVID-19 free."

Pero inabot ng 3 buwan bago unti-unting bumalik ang kanyang normal na kalusugan.

"Yung mga symptoms hindi nawawala. Imagine panlasa, pang-amoy ko na-recover ko siya 3 months after. Even yung suka, hindi ko siya nalalasahan. Nag-worry ako na baka hindi bumalik so kung ano-ano tinitikman ko," ani De Guzman.

ADVERTISEMENT

Sabi pa ni De Guzman, nagkaroon siya ng sakit sa balat na wala naman siya noon.

"Ang major effect sa akin na na observe ko until now at hindi ko ma-verify even my derma... is bigla akong nagkaroon ng eczema, wala naman ako non ever since... Tapos na disorient ako even until now."

Ayon kay Dr. Anthony Leachon, ang naranasan ni De Guzman ay ang tinatawag na long haul o long COVID.

Ibig sabihin, gumaling na ang pasyente sa COVID-19 at negatibo na sa swab test pero nakakaranas pa rin ng sintomas ng sakit.

May iba ring pasyente na nakararanas naman ng memory fog o yung hirap makaalala ng mga bagay.

"Kailangan i-build up mo yung immunity mo para sa ganon mabalik mo yung dati mong pangangatawan.... Other things na nakita ko rin sa mga pasyente ko nagkakaroon sila ng mental depression o anxiety," ani Leachon.

Sabi naman ni Dr. Eric Tayag, iisang epidemiologist and infectious disease expert, lumalabas sa mga pag-aaral sa ibang bansa na mahigit 4 milyon na ang regular na nagrereport na nakakaranas pa rin ng COVID-19 symptoms kahit 12 linggo na ang lumipas mula ng gumaling.

"Ang iba ay hindi pinaniniwalaan yan, sinasabi nila na anxiety lang yan, so kailangan paniwalaan po natin ito," ani Tayag.

Ilang epekto ng Long COVID

  • panghihina ng muscle
  • insomnia
  • post-traumatic syndrome disorder
  • virus persistent o positibo pa rin sa virus
  • fatigue o pagka-pagod
  • organ impairment o posibleng paglala ng diabetes


Upang maibsan ang posibleng epekto ng long COVID, maiging magpasuri sa doktor.

"Sanayin mo ang sarili mo na mag-amoy ng mga matatapang na amoy for example ay fruits, lemon, eucalyptus, apple, mga tea," ani Leachon.

May ilan din siyang lifestyle tips.

  • iwasan ang paninigarilyo
  • tamang diet
  • mag-ehersisyo
  • panatilihin ang tamang timbang
  • iwasang uminom ng alak
  • bawasan ang stress
  • inumin ang mga gamot ng regular
  • laging komunsulta sa doktor
  • matulog nang walong oras
  • panatilihin ang pagiging masaya at positibong pananaw

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.