FACT CHECK: Hindi sumayaw ng 'Dayang Daya' si Robredo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Hindi sumayaw ng 'Dayang Daya' si Robredo

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Apr 21, 2022 01:24 PM PHT

Manipulado ang video kung saan pinagmukhang nagsasayaw si presidential candidate Leni Robredo sa saliw ng awit na “Dayang Daya” ni Yoyoy Villame.

Makikitang kasama ng Bise Presidente sa pinekeng video ang ilang katutubong Mangyan sa isang campaign rally sa San Jose, Occidental Mindoro noong Abril 6.

Ini-upload ng Facebook page na “Federal Philippines” ang 38-segundong video na may caption na, “Sumayaw si Leni ng Daya-daya madaraya. Wala naman sanang dayaan.”

Mapapansin na paulit-ulit lamang ang video at pinatungan ng ibang tugtog upang magmukhang sumasayaw si Robredo sa himig ng “Dayang Daya.”

Pero kung papanoorin ang orihinal na video na ini-upload ng Facebook page na “Dapat si Leni” noong Abril 6, maririnig na ang ginamit na tugtog ay isa sa mga campaign jingle ni Robredo na “Kay Leni Tayo.”

Sa ngayon ay mayroon nang 1.1 million views, 79,000 reactions, 5,200 comments at 11,000 shares ang manipuladong video.

Hindi ito ang unang beses na pineke ang video ng rally ni Robredo at ka-tandem na si Senador Kiko Pangilinan. Ang ilan sa mga ito ay na-fact check na rin ng ABS-CBN News.

— with research from Ann Charrize Calusa, ABS-CBN Investigative and Research Group
ABS-CBN News is a part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.
Read More:
Leni Robredo
Robredo
manipulated video
disinformation
misinformation
Occidental Mindoro
Fact Check
ABSCBN Investigative and Research Group
Halalan 2022
2022 elections
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT