FACT CHECK: Pineke ang video ng tagapagsalita ni Alex Lacson sa Leni-Kiko Bohol People’s Rally | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Pineke ang video ng tagapagsalita ni Alex Lacson sa Leni-Kiko Bohol People’s Rally

ABS-CBN Investigative & Research Group
Published Apr 07, 2022 12:34 PM PHT

Pineke ang video ng tagapagsalita ni senatorial candidate Alex Lacson na si Gas Uy habang ipinakikilala niya si Vice President Leni Robredo sa “Dilaab: Bohol People’s Rally” noong Abril 1.

Pinutol-putol at binawasan ang mga salita sa tunay na kuha ni Uy habang ipinakikilala si Robredo sa mga dumalo sa rally. Pagkatapos ay pinagdugtong-dugtong ang mga bahagi ng video para palabasin na ganito ang kanyang sinabi:

“Gusto ko rin pong ipakilala sa inyo ang presidente ko. Ang presidente ko po ay magnanakaw, ang presidente ko po ay hindi nagbabayad ng buwis. Ang presidente ko po, peke ang diploma. Ang presidente ko po takot sa debate. Tagbilaran Bohol sino ang presidente ninyo?”
Nilapatan rin ang video ng mapanlinlang na teksto na nagsasabing “ipinakilala nya Ang Kanyang president.. Anung yari???” at “kakampink ang sigaw BBM.” Pinatungan rin ang audio sa dulo ng video ng “BBM” chant.

Pero kung panonoorin ang orihinal na video, ito ang maririnig na buong sinabi ni Uy (ang mga salitang nakasulat sa malalaking letra ay ang mga tinanggal sa pineke o spliced na video):

ADVERTISEMENT
“Gusto ko rin pong ipakilala sa inyo ang presidente ko. Ang presidente ko po ay HINDI magnanakaw, ang president ko po ay nagbabayad ng buwis. Ang presidente ko po HINDI peke ang diploma. Ang presidente ko po, MATAPANG, HINDI takot sa debate. Tagbilaran Bohol sino ang presidente ninyo?”
Maririnig din na ang pangalan ni Vice President Leni Robredo ang isinisigaw ng mga dumalo sa rally.

Makikita ang buong livestream ng rally sa kuha na ito ng Rappler

Sa ngayon ay mayroon nang 29,000 reactions, 7,000 comments at 5,900 shares ang pinekeng video.

Hindi ito ang unang beses na pineke ang video sa rally ng Leni-Kiko tandem. Ang ilan sa mga ito ay na-fact check na rin ng ABS-CBN News.

- with research from Ann Charrize Calusa, ABS-CBN Investigative and Research Group
ABS-CBN News is part of the Philippine Fact-Checker Incubator Project (PFCI) and #FactsFirstPH. PFCI supports news organizations in building capacity to meet international fact-checking standards. #FactsFirstPH is a collaborative effort of media and civil society organizations to fact check dubious and false claims, and to promote credible sources of information in the 2022 elections and beyond.
Read More:
Leni Robredo
Robredo
BBM
Marcos
Alex Lacson
Bohol
Halalan 2022
elections
manipulated video
disinformation
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT