Paano paghandaan ang COVID-19 vaccination kung may altapresyon, sakit sa puso? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano paghandaan ang COVID-19 vaccination kung may altapresyon, sakit sa puso?

Paano paghandaan ang COVID-19 vaccination kung may altapresyon, sakit sa puso?

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 01, 2021 07:29 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA – Sinimulan na sa ilang lugar ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga taong may comorbidity o sakit, kasama ang mga may hypertension o altapresyon at cardiovascular disease o sakit sa puso.

Ayon sa cardiologist na si Dr. Raul Lapitan, mainam na kumonsulta muna sa doktor ang isang taong may hypertension o sakit sa puso bago ito magpabakuna kontra COVID-19.

"Magandang kumonsulta tayo especially kung mayroon ka naman doktor na pinupuntahan before para at least malinawan sila about the vaccine saka 'yong sakit nila," ani Lapitan, na dating pangulo ng Philippine Heart Association, sa programang "Your Daily Do's" ng Teleradyo.

Bago magpabakuna, dapat ding inumin muna ng isang pasyenteng ang kaniyang mga gamot, ayon kay Lapitan.

ADVERTISEMENT

Ipinaliwanag din ng doktor na tumataas talaga ang blood pressure ng isang tao kapag nagpapabakuna ito pero walang direktang kinalaman doon ang COVID-19 vaccine.

"None of these EUA-approved vaccines has a direct relation with the elevated blood pressure," aniya.

Isa sa mga posibleng dahilan ng pagtaas ng blood pressure ay ang sakit ng turok o pagkaramdam ng anxiety.

"Maybe it's because of the pain. Of course nandiyan yung tinatawag nating anxiety kasi marami tayong naririnig," ani Lapitan.

May mga "environmental factor" din aniya na nagiging sanhi ng pagtaas ng presyon, gaya halimbawa ng kung maraming tao sa vaccination site.

Posible ring unrecognized o hindi alam ng tao na may hypertension siya.

"Kaya nga maganda... Kung hindi ka pa nagpapa-check up, maganda if you have a simple gadget like sphygmomanometer, might as well take your blood pressure before going there," ani Lapitan.

Sakali namang nasa 180 pataas ang systolic blood pressure ng isang tao o 120 ang diastolic, puwede namang maantala muna ang pagbabakuna hanggang sa makontrol ang blood pressure.

"Hindi natin sila binabakunahan right away. We just have to delay it and address the most urgent problem, which is the hypertension," ani Lapitan.

"We usually advise them to proceed to ER for proper evaluation and then see a cardiologist para malunasan 'yong ganoong condition," dagdag niya.

Bahagi din naman daw ng proseso ang health screening bago turukan, kung saan kinukuha rin ang blood pressure ng tatanggap ng bakuna.

Matapos ring bakunahan ay mananatili muna sa isang lugar sa vaccination site ang nabakunahan para obserbahan sakaling makaranas siya ng adverse effect.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.