Hindi totoong sinabi ni Robredo na ang solusyon sa trapik ay mas maraming pribadong sasakyan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hindi totoong sinabi ni Robredo na ang solusyon sa trapik ay mas maraming pribadong sasakyan

Hindi totoong sinabi ni Robredo na ang solusyon sa trapik ay mas maraming pribadong sasakyan

BAYAN MO,

IPATROL MO

Clipboard

Hindi totoo ang kumakalat na Facebook meme kung saan sinabi raw ni Vice President Leni Robredo na ang solusyon sa trapik ay mas maraming pribadong sasakyan.

Ayon sa post, ito ang sinagot ni Robredo sa tanong ukol sa problema sa bumper-to-bumper na trapiko: “Sa tingin ko mas importante na lahat nang tao mayroong sasakyan para mas mabilis ang pagbiyahe.”

Sinabi niya umano ito noong CNN PH Presidential Debate na ginanap noong Pebrero 27.

Subalit batay sa recording ng debate, ang totoong sagot ni Robredo ay: “Kapag tiningnan kasi natin yung datos, kakaunting percentage lang ng tao yung may sasakyan. Karamihan sa mga tao walang sasakyan at nakikibaka araw-araw sa mass transportation. Kailangan yung gobyerno magbuhos ng maraming pera para sa active transport, para siguraduhin na yung mga kababayan natin meron nasasakyan sa mababang halaga, para nakakapunta sila sa kanilang trabaho, nakakauwi sila sa kanilang mga pamilya.”

ADVERTISEMENT

Sinabi rin niya na pinalala ng pandemya ang problema. “Yung pinakahuling SWS survey sinasabi na mas maraming Pilipino ngayon ang gusto na magdala ng bisikleta, pero hindi handa yung mga kalye natin para sa active transport. Marami nang may bisikleta ngayon, marami yung motorsiklo, marami yung mga gustong maglakad, pero hindi handa yung mga kalye natin.”

Idinagdag din ni Robredo na dapat bigyang-diin ang pagpapaunlad sa kanayunan para hindi na magsiksikan sa Manila ang mga naghahanap ng trabaho.

Mapapanood ang sagot ni Robredo sa timestamp na 1:10:52 hanggang 1:12:22 sa recording ng debate na naka-upload dito.

Ang ganitong mungkahi ni Robredo ay dati na ring naiulat.

Samantala, totoo na sinabi ni Senator Manny Pacquiao na kailangan umano magdagdag ng skyway para mabawasan ang trapiko, tulad ng nakalagay sa Facebook post.

Makikita ang post sa Facebook page na Bong-Bong Marcos News. Nakapagtala na ito ng 1.7K reactions, 1.4K comments at lagpas 420 shares.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.