#CAThrowback: Kilalanin si Arturo Tolentino, ka-tandem ni Marcos sa snap poll '86 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
#CAThrowback: Kilalanin si Arturo Tolentino, ka-tandem ni Marcos sa snap poll '86

Sherwin Tinampay,
ABS-CBN News
Published Feb 26, 2022 09:53 AM PHT

MAYNILA - Tumakbo bilang bise presidente ng noon ay Pangulong Ferdinand Marcos si dating Senador Arturo Tolentino nang magpatawag ang diktador ng snap elections noong 1986 para patunayan na malakas pa rin umano ang suporta ng mga Pilipino sa kaniya.

Ayon kay Tolentino, isang constitutionalist, napa-oo siya ni Marcos dahil sa pagsang-ayon nito sa kaniyang kondisyon.

"We agreed to certain conditions that I imposed which I think were very important. Unang una ay, kako, we will revive the constitution. We will restore the 1938 Constitution which were very democratic form of constitution," paliwanag ni Tolentino sa panayam sa kaniya ng ABS-CBN News noong 2000.

Noong Pebrero 15, 1986, ipinroklama ng National Assembly bilang halal na pangulo at pangalawang pangulo ang tandem nina Marcos at Tolentino sa gitna ng lantarang pandaraya umano ng diktador mula halalan hanggang bilangan.

Nang mapatalsik sa Malacañang ang pamilya Marcos sa pamamagitan ng EDSA People Power noong Pebrero 25, 1986, umupo bilang pangulo si Corazon Aquino, ang balo ng pinatay na senador na si Ninoy Aquino, at katunggali ni Marcos sa snap election.

Pero para kay Tolentino, siya dapat ang pumalit kay Marcos.

Ilang buwan matapos manumpa ni Aquino, inokupa ng mga loyalista ni Marcos ang Manila Hotel kung saan nanumpa si Tolentino bilang 'acting president' noong Hulyo 6.

"'Yung sa Manila Hotel ang nangyari nu'n, I was actually trying to put up the real government that I thought we should have. I really thought that the Cory government was unconstitutional because she was not elected. How should she become president?"

Pero dinurog ng Korte Suprema ang anumang duda at sinabi nang hindi bababa sa 2 pagkakataon noong 1986 na legal ang gobyerno ni Aquino.

Sa desisyon noong Mayo 22, 1986, niresolba ng korte ang 3 petisyon na kumuwestiyon sa legalidad ng Aquino presidency, at sinabing, "the people have made the judgment."

Isa pang petisyon na kumukuwestiyon sa validity ng gobyernong Aquino ang ibinasura rin noong Oktubre 24, 1986.

Muling tumakbo at nahalal bilang senador si Tolentino noong 1992. Nang magtapos ang kaniyang termino noong 1995, lumayo na siya sa politika at noong 2004, sa edad na 94, yumao ito dahil sa sakit sa puso.

Kilalanin ang naging buhay ng dating senador sa one-on-one interview ni Ces Drilon sa programang 'Pipol' na unang ipinalabas sa ABS-CBN Channel 2 noong 2000.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
CA Throwback
Current Affairs
Arturo Tolentino
Ferdinand Marcos
Pipol
Ces Drilon
halalan
election
snap election
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT