BALIKAN: Mga kuwento mula sa EDSA People Power Revolution

Martina Elane Madrilejo, ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2022 06:54 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA – Tatlumpu’t anim na taon na ang nakararaan mula nang mapatalsik ng mga Pilipino ang rehimeng Marcos sa pamamagitan ng 'bloodless revolution' o ang EDSA People Power Revolution.

"Ang bansa natin masyadong naghihirap. Sobra na, tama na, palitan na," ang isa sa mga hinaing mula sa mga nag-aklas laban sa diktaduryang Ferdinand Marcos.

Kuwento ni Sr. Mary John Mananzan, isa sa mga madreng sumama sa People Power Revolution, pinangambahan din nila noon ang paggamit ng militar ni dating Pangulong Marcos para lusubin ang mga nag-aklas sa Camp Aguinaldo. 

“Ang ginawa namin, pumunta kami sa harap ng tangke. Sinabi namin please huwag na kayong umalis dito. Ang pagkakaisa ng tao na napakarami… talagang nakakapangilabot,” sabi ni Mananzan. 

Dahil sa pagkakaisa ng taong bayan, tuluyang nilisan ng pamilyang Marcos ang Pilipinas gabi ng Pebrero 25, 1986. 

Balikan ang mga imahe at kuwento ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa dokumentaryong ito na unang ipinalabas sa ABS-CBN Channel 2 noong Pebrero 2015.