Jonvic Remulla nag-sorry sa aberya sa uniporme ng Pinay golfers sa Olympics
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jonvic Remulla nag-sorry sa aberya sa uniporme ng Pinay golfers sa Olympics
Rose Eclarinal,
ABS-CBN News
Published Aug 11, 2024 09:56 AM PHT

Sa screenshot na ito ng video na pinost ni Dottie Ardina sa kanyang social media, idinidikit ng Olympian golfer ang bandila ng Pilipinas sa kanyang vest gamit ang double-sided tape. Hindi kasi na-release ang uniporme sana na gagamitin sa Olympics.

PARIS — Isang araw bago magsara ang Olympics, huling laban na rin ng Filipina golfers na sina Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan.

Pero may ibang laban silang hinarap.
Pero may ibang laban silang hinarap.
Nakatawag ng atensyon sa social media ang post ni Ardina nang hindi dumating ang kanilang uniporme at ipinakitang idinidikit niya ang Philippine flag gamit ang double-sided tape sa kanyang t-shirt bago ang kompetisyon noong Biyernes.

"Nakakahiya. Sobrang daming tao, kami lang ang walang uniform," sabi ni Ardina.

Ibinahagi rin ni Ardina na nakabalot ng duct tape ang kanyang equipment para takpan ang label at makasunod sa advertising restrictions ng International Olympic Committee.

Sabi ni Philippine Ambassador to France Junever Mahilum-West na nanood ng laban ni Ardina at Pagdanganan noong Biyernes, hindi nila naramdaman ang tensyon o problema ng atleta kaya marami ang nagulat.

"I really enjoyed cheering for our athletes Dottie and Bianca and hindi ko na feel that they were hindered by any lack in equipment or something like that," ani Mahilum-West.

Nag-sorry si chef de mission for the Paris Olympics Games Jonvic Remulla na gobernador din ng Cavite sa Pinay golfers sa Olympics dahil hindi dumating sa takdang oras ang kanilang uniporme para sa kompetisyon.

"It’s an honest mistake. May sponsorship kasi sila e. Pinadala naman ng sponsors, na-hold up lang sa customs at di nakalabas sa customs and uniform nila. We were hoping na last minute mailalabas. Hindi na talaga umaabot," ani Remulla.

"It’s our mistake, we should have prepared for it earlier. We should have contingencies in place. We’re really very, very sorry about that. We’ll try to do better next time."

Naglabas na rin ng official statement ang Philippine Olympic Committee (POC) at sinabi na ito ay isolated case at nabanggit din na ang clothing apparel ay ipinadala sa courier pero naantala sa customs sa France.

Wala umanong korapsyon at ang uniporme ay mula sa official sponsor at walang monetary arrangement para sa supply.

Pinag-uusapan din sa social media ang paghingi umano ng donasyon sa Filipino groups ng pagkain, tubig at electric fan para sa mga atletang Pinoy na nasa Olympic village.

Sabi ng Filipino community leader na si Elaine Sugbo, ilang Pinoy ang nagbigay ng mungkahi na bibigyan na lang ng pera at ang dating sa mga nakabasa, humihingi umano ng pera ang POC para sa mga atleta.

Hindi umano ito totoo at walang hinihinging pera ang POC at embahada.

Hindi rin naglalabas ng pera ang mga Pinoy at nagbigay lang umano sila ng "donation in kind."

"Nagdadala kami noon sa Metz ng fruits, apples, na naibigay namin successfully sa Philippine team... 'Yung kayang ibigay nila, tanggapin na lang," ani Sugbo.

Nagpapasalamat si Ambassador Mahilum-West sa tulong ng mga Pinoy na kahit may ibang hindi umano nakaunawa sa apela ng donasyon, mas umiral ang bayanihan.

"They also wanted to show how much they value 'yung ating extraordinary win in this present Olympics... Alam mo naman sa ating Filipino culture, mayroon ding gustong magbigay. So who are we to stop them from donating things? At saka may unforeseen din na nangyayari di mo alam na mainit pala ang rooms sa Olympic village. So sometimes di na-include sa budget... We just try to help whatever we can," sabi ni Mahilum-West.

Ang golf ang huling laban ng Pilipinas sa Olympics. Hindi man nagkamit ng medalya ang dalawang Pinay, proud ang mga kababayan sa Paris sa pagwawagayway ng bandilang Pinoy sa kompetisyon.

Importante rin umano ang mga aral na natutunan sa 2024 Paris Olympics.

MULA SA ARCHIVES:
MULA SA ARCHIVES:
Read More:
ABSSports
ABSNews
2024 Paris Olympics
Olympics
Paris
2024 Olympics
Dottie Ardina
Bianca Pagdanganan
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT