Mobile Legends: Onic PH natuwang naipaghiganti ang Blacklist vs. BTK | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sports
Mobile Legends: Onic PH natuwang naipaghiganti ang Blacklist vs. BTK

Angela Coloma,
ABS-CBN News
Published Dec 18, 2021 02:23 PM PHT
SINGAPORE— Nang malaglag ang Blacklist International sa lower bracket ng M3 World Championships, sinabi ng Onic PH na nais nilang maipaghiganti ang mga kapwa Pinoy kontra BloodThirstyKings (BTK).

At ngayon, winalis ng Onic PH ang North American squad sa kanilang bakbakan para makapasok sa Grand Finals.

Dahil malalaglag ang BTK sa laban kontra Blacklist, kumpiyansa silang malalampaso na ng Philippine champions ang North American squad.

"Typical Pinoy. So kapag naagrabyado ang mga kapwa Pinoy, gusto namin ipagtanggol diba? So that's what we did. And we're happy and confident that Blacklist can defeat BTK in the lower bracket," ani head coach Denver "Yeb" Miranda matapos ang kanilang panalo kontra BTK.

Sang-ayon dito ang kapitan na si Allen "Baloyskie" Baloy.

"Ine-expect ko talagang manalo eh. Tsaka di ko alam kung gaano sila malakas. Kasi feeling ko nung natalo Blacklist, out of form lang sila eh. Feel ko next time na maghaharap sila, Blacklist na ang mananalo," ani Baloyskie

At ang mensahe niya? "Hihintayin namin sila sa Grand Finals."

"Nagawa namin 'yong hiling nila na ipagbagsak ang BTK para makabawi sila and it's up to them kung makakaakyat sila and hopefully mangyari 'yon siyempre kasi gusto namin sila makalaban," ani Baloyskie.

Ganito rin ang gustong mangyari ni Gerald "Dlarskie" Trinchera.

"Galingan lang nila at gusto namin sila makita sa Grand Finals."

Sunod na makakalaban ng Blacklist International ang EVOS SG, at kung manalo sila, kailangan nilang matalo ang BTK para makaabante sa Grand Finals.

Kung manalo ang Blacklist kontra BTK, siguradong Pinoy ang mag-uuwi muli ng titulo bilang pinakamagaling na ML:BB squad sa buong mundo.

Read More:
Blacklist International
Onic PH
M3 World Championships
BloodThirstyKings
BTK
esports
Mobile Legends: Bang Bang
Mobile Legends
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT