Palaro standouts sa SEA Games, patunay na umaangat na ang Pilipinas sa swimming | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Palaro standouts sa SEA Games, patunay na umaangat na ang Pilipinas sa swimming

Karl Cedrick Basco,
ABS-CBN News
Published Dec 07, 2019 02:14 PM PHT
|
Updated Dec 07, 2019 02:44 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
NEW CLARK CITY - Para sa mga batang atleta ang makarating sa Palarong Pambansa ay isa na sa mga katuparan ng kanilang pangarap. Ngunit ang dalhin ang watawat ng Pilipinas sa mas malalaking kompetisyon ay panaginip na kung maituturing.

Kaya para sa mga tulad nina Jerard Jacinto, Sacho Ilustre, at Xiandi Chua, ang maging kinatawan ng Pilipinas sa Southeast Asian Games sa edad na 18 ay patunay na walang pangarap na hindi kayang abutin.

Sa ginaganap na SEA Games sa Aquatics Center dito, kabilang ang 3 batang manlalangoy sa mga naghahangad na makapagbigay ng medalya para sa bansa.

Kuwento ni Jacinto, tila bumalik ang kaniyang alaala mula sa Palarong Pambansa nang unang beses siyang lumangoy sa SEA Games noong Miyerkoles para sa men's backstroke.

"Nung nag-swim ako sa 100 backstroke ko, parang nagpa-flashback ako dati sa Palaro, masayang-masaya na ako. Sumisigaw ako, niyayakap ko mommy and daddy ko. Ngayon, nasa SEA Games na ako," ani Jacinto na unang beses sasali sa biennial meet.

Maganda ring sukatan ng kakayahan ang paglahok sa malaking patimpalak para kay Ilustre na first-timer din at makailang ulit nang humakot ng mga gintong medalya sa Palaro.

"For me, ito na 'yung isa sa mga biggest competition for me. This is a different stage. ito na 'yung testing the waters na for the international phase of my career," pahayag ni Ilustre sa ABS-CBN News.

Para naman kay Chua, katuparan ito ng matagal na niyang inaasam na bitbitin ang Pilipinas sa isang prestihiyosong kompetisyon kagaya ng SEA Games.

"I'm just really grateful because it is a privilege to represent our country. Ever since I was young, all I want is to bring honor to our country," tugon ni Chua.

Ngunit inamin nina Ilustre, na nakakuha ng pilak na medalya sa men's 4x100 freestyle relay, at Chua, na may tanso naman sa women's 4x200 freestyle relay, na mahirap ang naging transition ng kanilang paghahanda mula sa Palaro patungong international contests.

Ayon kay Chua, mas mahirap ang naging paghahanda niya dahil mas malaking kompetisyon ito na nilalahukan ng mga pinakamahuhusay na atleta sa rehiyon kaya maraming adjustments sa ensayo.

Dito rin aniya siya nagsimulang mag-taper o nagbawas ng oras ng pagsasanay nang malapit na ang laban.

"This is where I started to taper because for Palaro I didn't taper. But since this is a very big meet everyone looks forward to, my coach decided I should taper now," pag-amin ni Chua.

Sabi ni Ilustre na nasa De La Salle University na ngayon, ang kaibahan sa kaniyang paghahanda kumpara sa UAAP ay sa technique at kumpiyansa.

"Nandoon na lagi 'yung training pero kaya mo bang i-hold ito while you are in an international stage? Kailangan compose ka lang," dagdag ni Ilustre.

Sa kabila nito, umaasa si Jacinto, na mag-aaral sa Amerika sa susunod na taon, na magpatuloy ang pag-angat ng kalidad ng swimming sa Pilipinas lalo pa't sila ang patunay na kayang makipagsabayan ng mga Pilipino na sa Pilipinas lumaki sa mga manlalangoy sa ibang bansa.

Kinumpara rin ng atleta ang nangyari sa Vietnam na dati ay hindi umano powerhouse sa pool events.

"It just shows how Filipino homegrown swimmers are growing to be fast. It's like baby steps like Vietnam. Vietnam before is not that fast but look at them now. All of them are homegrown swimmers," banggit ni Jacinto na dadalhin ang kaniyang talento sa Texas A&M University sa Hulyo.

"Ito 'yung sinasabi ng mga coaches [namin]. This just means it's really possible to get that level, the highest level," pahayag ni Ilustre.

May paalala naman ang tatlong batang manlalangoy ng bansa sa mga mas bata sa kanila na umaasa ring magiging miyembro ng national team sa susunod na panahon.

"Sundan niyo lang 'yung path niyo. Ako, dumaan din ako sa dinaanan niyo. Hindi ko akalaing magsi-SEA Games ako. Follow your coach. Always pray to God," dagdag ni Jacinto.

Para naman kay Chua, na humakot ng medalya sa nakaraang Palarong Pambansa sa Davao City, malayo ang maaabot ng mga nagsusumikap.

"There are no dreams that are too far to reach. As long as you continue to work hard...you'll make it far," sabi ng manlalaro.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.
Read More:
SEA Games
SEA Games 2019
Southeast Asian Games
Pilipinas
Philippines
Xiandi Chua
Jerard Jacinto
Sacho Ilustre
SEA Games featured
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT