‘Thank you all Filipinos!’ Pinoy surfer sinagip ang atletang Indonesian sa peligro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Thank you all Filipinos!’ Pinoy surfer sinagip ang atletang Indonesian sa peligro

ABS-CBN News
Published Dec 06, 2019 07:52 PM PHT
|
Updated Dec 07, 2019 07:36 PM PHT

Ang Pilipinong surfer na si Roger Casogay ang nagbigay-ehemplo ng pagmamalasakit matapos niyang isuko ang oportunidad na manalo ng medal sa pagsagip sa kaniyang kalaban na Indonesian sa Southeast Asian Games men's longboard competition sa bayan ng San Juan, La Union nitong Biyernes.

Naputol kasi ang leg rope ni Arip Nurhidayat sa kanilang head-to-head match, kaya't napasugod si Casogay sa kaniya para matulungan.

Makikita sa video na ito na sinamahan ni Casogay si Arip pabalik sa pampang.

“Tinulungan ko na siya. Ina-announce na kasi na malayo na siya,” ani Casogay.
“Tinulungan ko na siya. Ina-announce na kasi na malayo na siya,” ani Casogay.
ADVERTISEMENT
Bago ang insidente, nakakuha na ng mataas na puntos si Casogay mula sa mga hurado, na magbibigay sana sa kanya ng kalamangan sa third qualifying round sa longboard category. Kung sinumang manalo sa round na iyon ay makakapasok ng finals para sa gold o silver medal.

Ayon sa coach ng Philippine surfing team na si Luke Landrigan, may pagkakataon sana si Casogay na malamangan si Arip dulot ng sitwasyon ng Indonesian dahil pwede naman nila hintayin na mabigyan ng ekstrang surf board ang banyaga. Pero mas pinili pa rin ng Pilipino na tulungan ang kapwa atleta.

“It’s more than surfing. Malaki ’yung alon. Kahit na kalaban natin ’yun, ang No. 1 na goal pa rin natin dito is safe and have a good and friendly competition kahit na at stake ’yung gold, silver, bronze,” ani Landrigan.

Nagpasalamat at pinuri ng Indonesian surfing team si Casogay para sa kaniyang tulong.

“Thank you to all the Filipinos and also to Roger Casogay. He coming toward our rider and helping each other. They stand up together in one board, that’s what we call we win as one,” ani ng Indonesian surfing coach na si Arya Subyatko.

- Ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News
Read More:
Southeast Asian Games
SEA Games
2019 SEA Games
30th SEA Games
Philippine SEA Games
PH SEA Games
Tagalog news
SEA Games featured
TV PATROL
TV PATROL TOP
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT