#SEAGames2019: ‘Angel Locsin’ ng arnis team, proud sa pinanalunang ginto | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

#SEAGames2019: ‘Angel Locsin’ ng arnis team, proud sa pinanalunang ginto

#SEAGames2019: ‘Angel Locsin’ ng arnis team, proud sa pinanalunang ginto

Dennis Gasgonia,

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 04, 2019 11:08 PM PHT

Clipboard

Isa si Jedah-Mae Soriano sa 14 na Pilipinong arnisador na nanalo ng ginto sa kasalukuyang SEA Games.Tatan Syuflana, AP

Isa si Jedah-Mae Soriano sa 14 na Pilipinong arnisador na nanalo ng ginto sa kasalukuyang SEA Games.George Calvelo, ABS-CBN News/file

ANGELES CITY—Hindi lang sa hitsura, kundi tila parehas ding mahilig sa pakikipagbakbakan ang isang Pinay arnis champion at artistang si Angel Locsin.

Marami nang nagsasabing may hawig si Jedah-Mae Soriano sa Kapamilya star, bagay na ikinatutuwa ng arnisador.

Pero kung sa mga TV role ipinapakita ni Locsin ang kaniyang fighting skills, sa kompetisyon naman inilalabas ni Soriano ang kaniyang husay.

“Masaya po na nahihiya,” reaksiyon ni Soriano, tubong Pasay City nang tanungin tungkol sa pagkakahawig sa aktres.

ADVERTISEMENT

“Star po kasi si Angel Locsin. Idol ko po siya, pinapanood ko ang mga action movies niya. Nakakataba ng puso na makumpara sa kanya.”

Ani Soriano bata pa lang daw siya, ikinukumpara na siya kay Locsin na minsan nang gumanap bilang Darna.

Dagdag ni Soriano, dala na niya ang palayaw na Angel kahit pa sa practice sessions ng arnis.

“Noong bata pa po kasi ako tinatawag na po nila akong Angel. Iyon na rin po ang tawag sa kin ng kapwa arnisador,” kuwento ni Soriano na nag-uwi ng featherweight gold sa live-stick category, isa sa 14 gintong pinanalunan ng Pilipinas sa kasalukuyang SEA Games.

“Sobrang nakaka-proud po, nakaka-overwhelm ng puso na part ako ng Philippine national team na nag-represent sa Pilipinas.”

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.