Pinagtagpo ng sayaw: Magkasintahan kampeon sa #SEAGames2019 dancesport | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinagtagpo ng sayaw: Magkasintahan kampeon sa #SEAGames2019 dancesport

Karl Cedrick Basco,
ABS-CBN News
Published Dec 01, 2019 11:32 PM PHT
|
Updated Dec 02, 2019 07:18 AM PHT

CLARK, Pampanga - Sabi nila, "the more you hate, the more you love."

Tila naging totoo ang ganitong biruan para sa Filipino ballroom dancers na sina Mark Jayson Gayon at Mary Joy Renigen na hindi maayos ang unang pagkikita.

Bagamat magkaklase sa kolehiyo, hindi umano sila naging magkaibigan noong una. Ayaw pa anila ang isa't isa.

"We're not really friends. We were only in just same group of friends but we were not reallly friends," kuwento ni Renigen sa ABS-CBN News.

"Iba kasi itsura niya e. Pang-ballroom lagi itsura niya."

Ngunit ang mga nangyari noon ay alaala na lamang ngayon para sa dalawa dahil iba ang naging kuwento ng kanilang tadhanda matapos silang pagsamahing dalawa hindi lamang sa sayaw kundi pati sa pagmamahalan.

Sinukbit nina Renigen at Gayon bilang magkapareha sa Standard Dancesport ang dalawang ginto at isang pilak na medalya sa 2019 Southeast Asian Games sa Royce Hotel nitong Linggo matapos pagharian ang Standard Waltz at Standard Slow Foxtrot.

Ngunit hindi kagaya ng ibang katunggali sa kompetisyon, hindi ordinaryong pagtitig ang ginagawa ng dalawang atleta dahil ang kanilang malalambing na kilos sa loob ng dance floor ay tunay na may kasamang pagmamahal.

Ayon sa dance athletes, hindi naging problema para sa kanila ang chemistry sa pagsasayaw dahil totoo ang bawat galaw at tingin nila sa isa't isa bago pa man magsimula ang kanilang routine.

"You don't have to fake it. It's already there. I'm so proud na we're together," ani Renigen na ngayon pa lamang nakaranas makalahok sa SEA Games.

Apat na taon nang magkasintahan ang dalawa na nagsimula ang pagkakamabutihan nang mag-apply si Renigen ng kaniyang internship sa Studio 116 nina Gayon.

Wala umanong partner sa pagsasayaw si Gayon nang pumasok ang 25 anyos na si Renigen. Tila sinadya umanong pagtagpuin silang dalawa dahil mula noon magkasama sila sa mga istorya sa loob at labas ng dance floor.

Hindi naman aniya naging madali para sa magkapareha ang maging magkarelasyon lalo pa't lagi silang magkasama sa training. Ayon sa kanila, madalas nilang pag-awayan ang mga problem sa sayaw.

"Super tested yung relationship namin through dancing kasi minsan yung pasensya mo. Everyday kami magkasama and minsan yung galit namin about each other ay about dancing na," pagbabahagi ni Renigen.

Natutunan naman nila ang disiplina na dapat paghiwalayin ang problema sa pagsayaw at sa kanilang relasyon. Kaya naman nagbunga ng tatlong medalya sa SEA Games ang pagmamahalan ng dalawa.

Samantala, pinasalamatan nina Gayon at Renigen ang mga Pilipinong pumunta sa venue ng palaro dahil sa kanilang mainit at maingay na pagsuporta. Ayon kay Gayon, malaking pribelihiyo para sa kaniya na katawanin ang Pilipinas.

"Sobrang saya ng feeling kasi you have your the Filipinos at your back. Hindi lang ikaw yung nirerepresent, hindi lang kami, hindi lang yung flag, kundi lahat ng taong nanonood sa amin," tugon ni Renigen.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.
Read More:
SEA Games
SEA Games 2019
Southeast Asian Games
Ballroom
Dancesport
Mark Jayson Gayon
Mary Joy Renigen
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT