Para kay Mikee Cojuangco konkretong plano, di lang puso, kailangan sa sports | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Para kay Mikee Cojuangco konkretong plano, di lang puso, kailangan sa sports

Para kay Mikee Cojuangco konkretong plano, di lang puso, kailangan sa sports

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 23, 2019 10:38 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa anumang international sports competition, tumatak na ang salitang “puso” kapag pinag-uusapan ang Pilipinong atleta, tapang at fighting spirit na hinahangaan ng kanilang mga kababayan.

Pero para kay Mikee Conjuangco-Jaworski, kung ambisyon ng bansang dumami pa ang kanilang world champion, oras na umanong bigyan pa lalo ng atensyon ang teknikal na aspeto sa anumang isport.

“Kung gusto mong maging internationally competitive, iba na ’yung kailangan ’yung pag-iisip mo. Sports has become so scientific, it has become so technical . . . Matagal na,” paliwanag ni Cojuangco sa panayam sa isang panayam sa dzMM nitong Sabado.

Kung ambisyon ng Pilipinas na dumami pa ang kanilang world champion, oras na umanong bigyan pa lalo ng atensyon ang teknikal na aspeto sa anumang isport, ayon kay Mikee Cojuangco-Jaworski. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/file

“The Filipino is very talented but kelangang maging honest tayo sa sarili na, pagdating sa certain level, there are requirements na kailangan nating gawin para maging competitive tayo.

ADVERTISEMENT

“Hindi naman pwedeng sabihin na sa buong mundo tayo lang ang may puso.”

Ayon pa kay Cojuangco, na nagkamit na ng ginto sa Asian Games at Southeast Asian Games, kailangan daw ma-expose ang mga atleta sa pinakaepektibong mga programang ginagamit na sa ibang bansa at huwag makuntento sa mga nakakagawian na.

“Sinasabi ko minsan as a coach, ano ba’ng tama? Kelangan ba ’pag natalo ang estudyante ko dapat bang sabihin na OK lang ’yan? Iba-balance mo rin ’yun,” ani Cojuango, na ngayo’y nagsisilbi bilang kinatawan ng International Olympic Committee sa Pilipinas.

“There has to be a plan, there has to be a goal and we should stick to that plan and everybody involved iisa lang ang plano natin, tapos pagtutulungan natin . . . It’s a concerted effort.”

Dagdag pa ni Cojuangco, hindi tama ang paniniwala na dapat panatilihin sa isang organisasyon ang isang atleta bilang coach kung hindi naman ito kwalipikado o walang kakayahang gampanan ang kaniyang trabaho.

“Halimbawa, meron tayong mga atleta na naging very reliable kahit hindi international champions, we want them to stay with the sport, we still want them to be a part of the sport. And what would be a natural progression is magiging coach pero di naman ibig sabihin na dahil naging magaling kang atleta, na magaling ka rin na coach,” pahayag ni Cojuangco.

“You have to continuously learn. We have to continuously expose ourselves to what is being done in the more successful countries kung gusto rin nating makipagsabayan.”

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.