PBA: Makakalaro na ba uli si June Mar sa Sabado? Coach pinag-iisipan pa | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PBA: Makakalaro na ba uli si June Mar sa Sabado? Coach pinag-iisipan pa

ABS-CBN News
Published Oct 23, 2018 06:44 PM PHT

Balik praktis na si June Mar Fajardo ng San Miguel Beer pagkatapos ng dalawang buwan na pagpapahinga dahil sa shin injury.

Ayon kay head coach Leo Austria, aprubado na ng mga doktor ang pagsali ni Fajaro sa practices simula pa nitong Lunes.

Inaasahang magiging malaking tulong si Fajardo sa Beermen na nangangailangan ng mga panalo sa PBA Governors' Cup.

Pero inaalam pa ni Austria kung pwede na nilang isabak sa tunay na laro ang kanilang premyadong sentro sa Sabado kontra Rain Or Shine.

ADVERTISEMENT
“We will see pagdating ng Saturday if he is ready to play. But definitely, before the eliminations is over, I think he could play,” anang coach Spin.ph.

Matatandaang na-injure si Fajardo noong nakaraang Commissioner’s Cup.

Sa ngayon, magagawa nang sumali ni Fajardo sa shooting drills. Kung ayos na ang kaniyang pakiramdam, maaaring sumabak na siya sa 5-on-5 scrimmage sa Huwebes.

“We are not rushing him so that pagdating sa playoffs, 100 percent na siya,” ani Austria.

Kasalukuyang nasa ika-anim na puwesto ang Beermen sa standings na may 4-4 na kartada.

Ang walong koponang may pinakamataas na record lamang ang makakapasok sa quarterfinals.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)