MPL Season 10: Echo masayang nakabawi sa RSG Philippines | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MPL Season 10: Echo masayang nakabawi sa RSG Philippines

MPL Season 10: Echo masayang nakabawi sa RSG Philippines

Angela Coloma,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakikipag-apir ang RSG Philippines at Echo Philippines bago ang kanilang laban sa MPL Season 10 playoffs sa Blue Leaf Cosmopolitan. Courtesy: MPL Philippines
Nakikipag-apir ang RSG Philippines at Echo Philippines bago ang kanilang laban sa MPL Season 10 playoffs sa Blue Leaf Cosmopolitan. Courtesy: MPL Philippines

MAYNILA - Blangko ang Echo Philippines kontra RSG Philippines noong regular season ng MPL Season 10.

Ngayon, nagbunga na ang kanilang mga paghihirap matapos manalo, 3-1, sa isa sa mga pinakaimportanteng laban ngayong season: ang upper bracket semifinals.

Masaya sina Karl "KarlTzy" Nepomuceno at Tristan "Yawi" Cabrera na ngayon ay nakakabawi na sila sa koponan na binuhusan umano sila ng panta-trash talk.

"Puro trash talk sila sa 'min eh kaya sobrang iba 'yung feeling sa kaysa sa ibang team 'pag panalo," ani KarlTzy matapos ang kanilang playoff win sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Quezon City.

ADVERTISEMENT

"Gigil din talaga sila lahat siyempre tina-trash talk kami tapos walang bawi. Tapos sakto upper bracket finals kami. Isa na lang at magbubunga na ang lahat ng kahirapan namin," ani Yawi.

Bukod sa grand finals, makukuha din ng Echo Philippines ang slot sa M4 world championships, oras na mapanalunan nila ang kanilang laban sa Sabado.

Bagay ito na ikinatuwa ni head coach Archie “Tictac” Reyes.

"One win na lang mapapatupad na ang dreams ng mga bata na makapasok sa international [tournament]," anang coach, na naging emosyonal kalaunan sa mga naging pinagdaanan ng kaniyang mga manlalaro.

"Sobrang halaga, kasi sabi nga hindi pa nakakabawi mula regular season, mayroon pa kaming dalawang bata, at defending champions. So laking bagay sa mga bata."

Makakalaban ng Echo ang panalo sa laban ng Blacklist International at Bren Esports na magaganap alas-5 ng Biyernes, Oktubre 21.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.