Unang gold: Gymnast na si Carlos Yulo lumikha ng kasaysayan para sa Pilipinas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Unang gold: Gymnast na si Carlos Yulo lumikha ng kasaysayan para sa Pilipinas

Unang gold: Gymnast na si Carlos Yulo lumikha ng kasaysayan para sa Pilipinas

ABS-CBN News

Clipboard

Si Carlos Yulo ang kauna-unahang Pinoy na nakakuha ng gold medal sa gymnastics world championships. Wolfgang Rattay, Reuters

MAYNILA — Gumawa ng kasaysayan para sa bansa ang gymnast na si Carlos "Caloy" Yulo nang makuha niya ang gold medal sa floor exercise sa 41st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Stuttgart, Germany noong Sabado.

Ito ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Gymnastics World Championships.

Si Yulo, 19, ang pinakabata at pinakamaliit na atleta sa kompetisyon.

Ilang taon nang nagsasanay sa Tokyo, Japan si Yulo sa ilallim ng Japanese coach na si Munehiro Kugimiya.

ADVERTISEMENT

Nagpasalamat si Yulo kay Gymanstics Association of the Philippines president Cynthia Carrion na gumawa ng paraan para makapag-training siya sa Japan.

Sigurado na rin ang paglahok ni Yulo sa 2020 Tokyo Olympics matapos ang kaniyang 18th-place finish sa all-around qualifying ng kompetisyon.

Nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Yulo sa Lunes para sa inaayos na courtesy call kay President Rodrigo Duterte.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.