esports: Mahinang internet di hadlang para sa PH team na nanalo sa Call of Duty: Mobile regional qualifiers | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
esports: Mahinang internet di hadlang para sa PH team na nanalo sa Call of Duty: Mobile regional qualifiers

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Oct 07, 2020 12:19 PM PHT

MAYNILA - Hindi naging hadlang ang naranasang bagal ng internet connection para manalo ang isang Philippine team sa regional qualifiers ng Call of Duty: Mobile 2020 World Championships.

Naungusan ng team NRX Jeremiah 29:11 -- na kinabibilangan ng captain na si John Clarence "Jayzee" Rivera, ang coach na si Michael "Kyaaah" Belaya, at ang iba pang miyembro na sina Jerrold "Woopiiee" Regay, John Kenneth "KenDy" Pimentel, Benj "Crush" Trinidad, Kennedy "iDra" Mondoy -- ang anim iba pang koponan mula Southeast Asia sa Garena qualifiers ng naturang paligsahan noong Linggo.

Napansin ng game hosts ang gumagatol na live feed ng team sa Maynila habang nagdiriwang matapos ang best-of-five game laban sa Team Daivo.Freeslot mula Thailand.

"Arguably the squad, the region with the worst internet connection thus far, they make it through. Look at the lag man! Look at the lag on their webcam feed bro!" wika ng isang commentator.

Hindi inasahan ng NRX na manalo dahil sa pagsabak pa lang nila sa isang linggong kompetisyon nahirapan na sila sa bagal ng Internet.

Natalo pa sila sa unang 3 game laban sa Dunia Team ng Indonesia at may ilang beses pang hindi agad nakasimula ang laro dahil hinintay na umayos ang kanilang internet connection.

"Disadvantage po 'yun sa amin kasi mauuna kaming mapatay kasi mabilis 'yung sa kanila. Bale makikita nila agad kami, delayed po sa 'min lumilitaw sila tapos pag binabaril namin sila hindi tumatama kahit diretsong-diretso 'yung bala namin," paliwanag ni Rivera.

Para sa koponan, tiwala sa galaw ng bawat isa at sa inensayo ang pinaghahawakan nila.

"Ginagawa na lang po namin is hold na lang po talaga, hindi na kami nag-push kasi kapag nag-push pa kami sa kalaban matatalo po talaga kami," ani Regay.

"Kahit [nag-lag] kayo, basta may team game leader, tuloy-tuloy pa rin yung momentum noon," dagdag pa ni Belaya.

Lilipad ang koponan sa Los Angeles sa Disyembre para maging kinatawan ng Southeast Asia sa kauna-unahang international tournament ng Call of Duty Mobile. Nanawaagan sila ng suporta sa paghahanda nila.

Nais din nilang magsilbing inspirasyon sa ibang gamers at kabataang Pinoy ang kanilang determinasyong manalo na tulad ng pangalan nila, laging may pag-asa sa kabila ng mga hamon.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
esports
Call of Duty Mobile
COD
Call of Duty: Mobile 2020 World Championships
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT