PBA: AZ Reid, back-up import na lang sa SMB | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PBA: AZ Reid, back-up import na lang sa SMB

PBA: AZ Reid, back-up import na lang sa SMB

ABS-CBN News

Clipboard

Naka-score ng 37 points si Kevin Murphy para sa San Miguel nitong Linggo. PBA Images

Matapos bumilib sa laro ni Kevin Murphy, tila nakapagdesisyon na si San Miguel Beer coach Leo Austria na i-retain ang kanilang bagong import sa PBA Governors Cup.

Ibig sabihin, magiging back-up import na lang si AZ Reid na kasalukuyang pang nagpapagaling ng kanyang ankle injury.

“With the kind of game na pinakita ni Kevin, it’s obvious na siya magpapatuloy nun,” sabi ni Austria sa Spin.ph. “Si Kevin ‘yung import na hinahanap namin dito.”

Nagtala ng 37 puntos si Murphy sa kanyang debut kontra Magnolia nitong Linggo, pero hindi niya naisalba ang Beermen sa 109-108 na pagkatalo sa Hotshots.

ADVERTISEMENT

Sa kabila nito, naniniwala si Austria na si Murphy na ang kasagutan sa namumutlang kampanya ng San Miguel Beer sa Governors Cup. Kasalukuyang may 2-3 kartada ang Beermen.

Ayon pa sa coach, hindi naman daw nilang pwedeng piliting maglaro si Reid dahil kailangan pa niyang magpagaling.

“Sa ganda ng ipinakita niya and even nung umpisa pa lang, siya na magiging import namin because it’s unfair for AZ na we will force him to play and injured siya. It takes time to fully heal,” ani Austria.

Dagdag pa niya, lumaki ang tsansa nilang makaabot ng playoffs dahil kay Murphy.

“The way Kevin is playing, I think we have a good choice.”

(Para sa mga karagdagang ulat, pumunta sa ABS-CBN Sports website.)

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.