NBA Finals: Lakers dinomina ang Heat sa Game 1 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

NBA Finals: Lakers dinomina ang Heat sa Game 1

NBA Finals: Lakers dinomina ang Heat sa Game 1

ABS-CBN News

Clipboard

Los Angeles Lakers forward Anthony Davis (3) celebrates with forward LeBron James (23) after a play during the third quarter against the Miami Heat in game one of the 2020 NBA Finals at AdventHealth Arena. Kim Klement-USA TODAY Sports/Reuters

Pumukol ng 34 puntos si Anthony Davis upang pangunahan ang Los Angeles Lakers sa paggiya ng 116-98 panalo kontra Miami Heat sa Game 1 ng NBA Finals Miyerkoles sa Orlando.

Tumipa ng 25 puntos si LeBron James bukod pa sa 13 rebounds at siyam na assists para sa Lakers habang nag-ambag si Kentavious Caldwell-Pope ng 13 at 11 naman mula kay Danny Green.

Samantala, kumolekta ng 23 puntos si Jimmy Butler para sa Miami habang inayudahan ito ng 18 ni Kendrick Nunn mula sa bench. May 14 produksyon si Tyler Herro at 12 si Jae Crowder.

Bukod sa magandang ipinakita ng Lakers, nakaapekto rin sa Heat ang injuries ng kanilang ilang manlalaro. Hindi nagamit ng Miami si Goran Dragic sa second half matapos uminda ng injury sa kaliwang paa. Habang hindi na rin natapos ni Bam Adebayo ang laro nang tuluyang umalis dahil sa strained shoulder.

ADVERTISEMENT

Tanging anim na puntos lamang ang naitala ni Dragic sa 15 minuto na kaniyang inilaro, malayo sa 20.9 points per game nito sa postseason bago ang Finals.

May iniinda rin si Butler sa kaniyang left ankle matapos ang first half ngunit nagpatuloy pa rin ito sa kabuuan ng laro.

Minanduhan ng Lakers ang ikalawang quarter na laban bago tuluyang lumayo sa ikatlong period gamit ang 22-7 run para sa 87-55 bentahe.

Bitbit ng Lakers ang 93-67 kalamangan papasok ng payoff period.

Nagpakawala ng 13-0 spurt ang Lakers sa kalagitnaan ng second period na tinapos ng isang three-pointer ni Markieff Morris upang itayo ang 54-43 abante bago nila ito palawigin sa 65-48.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.