PBA: Ex NBA player, ipapalit muna ng San Miguel kay injured AZ Reid | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PBA: Ex NBA player, ipapalit muna ng San Miguel kay injured AZ Reid

PBA: Ex NBA player, ipapalit muna ng San Miguel kay injured AZ Reid

ABS-CBN News

Clipboard

Pinapagaling muna ni AZ Reid ng San Miguel Beer ang kaniyang na-injure na ankle bago siya bumalik sa aksiyon. PBA Media Bureau

Dumating na sa bansa ang dating NBA player na si Kevin Murphy na pansamantalang magiging import ng San Miguel Beer habang nagpapagaling sa injury si AZ Reid.

Napagpasiyahan ng Beermen na kumuha ng pamalit kay Reid (ankle) na na-injure noong nakaraang linggo.

Agad sumalang sa practice ang 6-foot-5 na si Murphy nang dumating siya nitong Huwebes.

Ayon sa PBA website, nakatakda siyang sukatan ng height sa opisina ng liga sa Quezon City sa Biyernes.

ADVERTISEMENT

"Based on what we've seen on video, I think he's OK," ani San Miguel coach Leo Austria.

Naglaro para sa Utah Jazz si Murphy noong 2012-13 NBA season, bukod sa ilang kampanya sa NBA D-League at mga liga sa Europe at China.

Mapipilitan munang umupo si Reid makaraang lumala ang kaniyang injury nitong Linggo. "AZ's always in practice kaya lang di pa niya matakbo dahil may tenderness du'n sa kanyang ankle at ayaw naming ma-aggravate," sabi ni Austria.

Agad masusubukan si Murphy sa darating nilang laro laban sa Magnolia.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.