Pagkatalo ni Pacquiao kay Ugas, tanggap ni Mommy Dionisia | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkatalo ni Pacquiao kay Ugas, tanggap ni Mommy Dionisia

Pagkatalo ni Pacquiao kay Ugas, tanggap ni Mommy Dionisia

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 22, 2021 06:17 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Tanggap ni Dionisia Pacquiao ang pagkatalo ng kaniyang anak na si Sen. Manny Pacquiao sa pinakahuling laban nito sa boxing kontra kay Yordenis Ugás ng Cuba ngayong Linggo.

“Wala ko naguol nga napildi siya, kay unsaon man... kay kaning away, manalo, matalo man gyud, di ba? Dili man pud puros panalo,” sabi ni Mommy D sa mga mamamahayag sa kaniyang bahay sa General Santos City.

(Hindi ako nalungkot kasi sa ganiyang laban, may nananalo at may natatalo, 'di ba? Hindi naman palaging panalo.)

Unanimous ang naging desisyon ng mga hurado sa pagpili kay Ugas upang mapanatili nito ang WBA "super" welterweight title laban kay Pacman.

ADVERTISEMENT

Ginanap ang laban Sabado ng gabi (tanghali ng Linggo sa Pilipinas) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Pabor kay Ugas ang scorecard na: 115-113, 116-112, at 116-112.

Nang tanungin kung papayag pa siyang lumaban ulit ang anak sa boxing, sabi ni Mommy D, "Mu-retiro na siya uy. Kay giingnan nako, sa nanalo siya adtong una, muretiro na siya. Ayaw man niya mag-retiro... Anha na tingale mu-retiro kung natalo. Karon, natalo siya, mu-retiro na."

(Magre-retiro na siya. Sinabihan ko dati nung nanalo siya na mag-retiro na siya. Ayaw niya... Siguro, saka na lang kung natalo siya. Ngayong natalo siya, mag-retiro na siya.)

Habang pinapanood ni Mommy D ang laban ng anak kay Ugas, sinabi niyang patunay ito na may katapat na talaga ang Pacman.

Ayaw na niyang magkaroon ng rematch, at kakausapin na raw niyang mag-retiro ang anak dahil sa edad dito.

- Ulat ni Chat Ansagay

FROM THE ARCHIVES

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.