Pinoy Paralympians binigyan ng virtual send-off para sa Tokyo Olympics | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pinoy Paralympians binigyan ng virtual send-off para sa Tokyo Olympics

Wheng Hidalgo,
ABS-CBN News
Published Aug 19, 2021 10:26 PM PHT

Sa Facebook idinaan ng Philippine Sports Commission ang send-off ceremony para sa anim na paralympians na lalahok sa Tokyo Olympics.

Bukod sa mga opisyal ng pamahalaan at ibang atleta, napuno ng pagbati ang chatbox ng virtual send-off mula sa netizens.

Sari-saring mensahe ng suporta ang ipinhayag ng mga ordinaryong mamamayan, mga dating para athletes, mga opisyal ng pamahalaan at ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa anim na para athletes na lalahok sa Tokyo 2020 Paralympic games.

Nakatakdang umalis papuntang Tokyo, Japan sa August 22 sina Allain Ganapin (Para Taekwondo), Jerrold Mangliwan (Para Athletics), Jeanette Aceveda (Para Athletics), Ernie Gawilan (Para Swimming), Gary Bejino (Para Swimming), at Achelle Guion (Para Powerlifting).

ADVERTISEMENT
Si Mangliwan ang magiging flagbearer ng Pilipinas sa opening ceremony habang si Gawilan naman sa closing ceremony.

Sasamahan sila ng chief of mission na si Francis Carlos Diaz at ng kanilang mga coach.

Ang mga dating para athletes ay nagbigay din ng mensahe para sa mga kasalukuyang atleta.

Kabilang ang long jump queen na si Elma Muros Posadas sa nagbigay ng suporta at mensahe.

"Goodluck sa lahat ng players sa paralympics, sa coaches, at officials. Go for the gold. Laban, patay kung patay hanggang sa huling lakas para sa mahal nating bayang Pilipinas. Mabuhay ang Pilipinas. Laban go for gold. Kaya natin yan," ani Muros.

Maging ang mga bagong uwing athletes mula sa Tokyo Olympics ay nagbigay ng mensahe para magsilbing inspirasyon.

"Para sa lahat ng paralympics na sasabak sa paralympics sa Tokyo, goodluck po sa inyong lahat, ingat po kayo. God bless you po at higit pa sana sa ginto ang maiuwi po natin. Mabuhay po kayo," ani Nesthy Petecio, Olympic silver medalist sa women's boxing.

"Gusto ko lang sabihin na paralympians po kayo and pinaghirapan n'yo po yan para dumating dyan and we are really proud to be knowing na nandyan po kayo," ani Hidilyn Diaz, ang unang atletang Pinoy na nanalo ng ginto sa Olympics.

"Gusto ko lang po sabihin na nakaya kong manalo ng gold medal sa Olympics, alam ko pong kaya nyo rin at alam ko pong pinaghirapan nyo po ang training nyo, ang preparasyon. Tiwalang-tiwala po kami na magiging maganda ang laban nyo po."

Pinalakas naman ng loob ng presidente ng Philippine Paralympic Committee na si Michael Barredo ang mga atleta at sinabing sa kabila ng mga pinagdaanan nilang mga hamon sa gitna ng training at preparasyon, dapat maging confident sila at ienjoy ang laban at iuwi ang ginto.

"To our paralympians, alam kong it’s been a very challenging one year and a half. Apektado ang inyong stress, pressure, with your mental toughness, emotions and even the physical part, difficulty in training dahil nga sa bubble at sa mga restriction, yung lack of tournaments dahil sa postponement and cancellations," ani Barredo.

"All that being considered ang kailangan siguro is strengthen your fortitude in all these aspects, be confident and of course sabi nga ni Chairman (Butch) Ramirez noong isang araw, enjoy yourself as well."

Inihayag naman ni PSC Chairman William "Butch" Ramirez ang kanyang tiwala sa kakayahan ng para athletes ng Pilipinas.

"It is an honor to be with you today. As we embark on this mission, never forget that you are the best of the best. Out of many, the 6 of you get to represent the Philippines at the greatest athletic stage for para athletes," aniya.

Nagpaabot din ng mensahe sina Sen Bong Go na Chairman ng Senate Committee on Sports at ang Chef de Mission ng Pipilinas para sa Tokyo 2020 Paralympic games na si Prof. Francis Diaz.

Sa mensahe naman ni Pangulong Duterte sinabi nya na kaisa sya ng mga atleta na naglalayong maibigay ang karangalan para sa bansa.

“My warmest greetings to our Philippine Paralympian Team. I am one with you as you present the best of our country at the Paralympic Games in Tokyo," sabi ng pangulo.

“Your participation here shows to the world that anything is possible through hard work, determination and solidarity. Rest assured that the entire nation is behind you as you compete and show your capabilities to make the world.... you really make our country proud. Mabuhay ang Philippine Paralympian Team.”

Ang anim na atletang lalahok sa paralympics ay naghayag din ng kanilang dedikasyon sa laro na kanilang kabibilangan.

"As a representative for the millions of Filipinos para sa Tokyo Paralympic games, nais ko po sanang magpasalamat sa mga taongbayan through the initiatives of the PSC, sa unprecedented support, love and prayers extended to us. Nafeel talaga namin an we’re not left behind and rest assured that we will give our 110 percent and proudly wave the flag para sa mga kapatid nating Pilipino. MAramingsalamat po at mabuhay ang Pilipinas," ani Mangliwan.

"Pinagmamalaki ko na lalaban para sa ating inang bayan, para sa lahat ng Pilipino at para sa buong Pilipinas. Salamat sa inyong tulong at suporta," ayon naman kay Guion.

Sa gitna ng virtual send-off, napuno rin ng mga pagbati ang chatbox nito.

Kaya sa pag-alis ng paralympians, baon nila ang suporta at dasal ng sambayanang Pilipino.