Hidilyn Diaz homecoming, simple pero umaapaw sa suporta | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hidilyn Diaz homecoming, simple pero umaapaw sa suporta

Hidilyn Diaz homecoming, simple pero umaapaw sa suporta

ABS-CBN News

Clipboard

Pagdating ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa Pilipinas nitong hapon ng Miyerkoles, 28 Hulyo 2021. Mainit na sinalubong si Diaz ng Philippine Air Force, kung saan may ranggo siyang Staff Sgt. Twitter: Philippine Sports Commission

MAYNILA - Naging payak ang pagsalubong sa kauna-unahang Olympic gold medalist ng bansa na si Hidilyn Diaz ngayong Miyerkoles matapos ang kaniyang makasaysayang Olympic run.

Mag-a-alas-6 ng hapon nang lumapag ang Philippine Airlines Flight PR 427 ni Diaz mula Tokyo, Japan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umuwi si Diaz sa Pilipinas matapos ang isang taon matapos mag-ensayo sa ibang bansa.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa paliparan sa Tokyo, hindi maitago ng weightlifter ang pagkasabik niya sa pag-uwi sa bansa.

"Hi everyone! After more than a year uwi na ako sa Pilipinas. Excited na ako makita ang family ko at excited na ako ipakita sa inyo ang medalyang napanalunan ko noong isang araw at ipakita na kaya natin, ng mga Pilipino. Miss na miss ko na ang Pilipinas. Mahal na mahal ko ang Pilipinas. So I'm really proud to represent Philippines," ani Diaz.

ADVERTISEMENT

Sa eroplano pa lang ay binigyan na rin siya ng cake na may "congratulations."

Kasama ni Diaz na umuwi ang Pinay skateboarder na si Margielyn Didal. Kasama rin sa biyahe ang kaniyang head coach na si Gao Kaiwan, strength and conditioning coach Julius Naranjo, nutritionist Jeaneth Aro at sports psychologist na si Karen Trinidad.

Tahimik ang pag-uwi sa bansa ng weightlifting superstar, na nanguna sa 55 kilogram weight class noong Lunes.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bandang alas-6 din ng gabi dumating sa hotel sa Pasay City ang van na sinakyan ni Diaz, kung saan sinalubong siya sa loob ng mga tauhan ng Philippine Air Force at Philippine Navy na may dalang watawat ng Pilipinas.

Bakas sa mukha ni Diaz ang saya at pagkasabik na makabalik sa bansa.

Ipinakita din ni Diaz ang pinakaunang gintong medalya ng bansa sa Olympics.

May dala-dala pang tarpaulin ang mga sundalo na may nakasulat na "Congratulations Sgt. Hidilyn Diaz."

Dumating din ang banda ng Philippine Air Force at nagbigay pa ng mensahe para kay Hidilyn ang kaniyang mga tagahanga.

"Proud po kami sa naiambag ni Ma’am Hidilyn, kasi kasama namin sa serbisyo si Ma'am. Lahat po ng uniformed personnel, proud po sa kanya," ayon sa isang tagahanga.

Mensahe pa ng isa pang tagahanga: "Congratulations po, Ms.Hidilyn Diaz, isa po kayong alamat po."

Sa hotel sa Pasay magka-quarantine sina Diaz at ang kaniyang mga coaching staff.

Hindi bababa sa P35 milyon ang makukuha na incentive ni Diaz mula sa pamahalaan at sa iba't ibang negosyante at politiko.

May naghihintay din sa kaniyang house and lot sa Tagaytay City at residential condominium sa Eastwood.

May makukuha rin siyang lifetime free flights at travel, at lifetime supply ng gasolina mula sa ilang pribadong kompanya.

-- May mga ulat nina Jacque Manabat at Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.