Efren “Bata” Reyes nagpakitang gilas sa exhibition game sa Jakarta, Indonesia | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Efren “Bata” Reyes nagpakitang gilas sa exhibition game sa Jakarta, Indonesia
Efren “Bata” Reyes nagpakitang gilas sa exhibition game sa Jakarta, Indonesia
Wendy Palomo | TFC News Indonesia
Published Jul 11, 2023 10:24 PM PHT

INDONESIA - Dumayo sa Jakarta, Indonesia ang billard legend na si Efren “Bata” Reyes para sa roadshow exhibition games. Nakaharap niya si Punguan Sihomping, isa sa pinakamagaling na billard players sa Indonesia sa kanyang henerasyon.

“For me it’s for everyone in here, it’s a one-in-a lifetime moment,” sabi ni Harry Khebot, ang person-in-charge sa nasabing match.
“Everybody wants to invite Efren “Bata” Reyes because he’s the magician and the legend. Punguan is one of the best Indonesian players. So, I think this match will be big match,” ani billiard coach Bewi.
Panalo si Punguan pero umani ng paghanga si Reyes mula sa mga dayuhan.
Panalo si Punguan pero umani ng paghanga si Reyes mula sa mga dayuhan.
“The magician has the skills and the experience,” kwento ni Ola Jernberg.
“For me Efren Reyes is to pool...Michael Jordan is to basketball. He is the G.O.A.T., the greatest of all time,” pahayag ni Jakarta All-Stars Team pool player Aroon Raghani.
Hindi rin pinalampas ng Pinoy na si albert arcenas na mapanood ang exhibition game ng kanyang idolo. nakapagpapirma pa siya ng billiard ball.
Hindi rin pinalampas ng Pinoy na si albert arcenas na mapanood ang exhibition game ng kanyang idolo. nakapagpapirma pa siya ng billiard ball.
“It’s amazing to watch him live rather than watch him on YouTube because I’d been watching a lot of his YouTube videos. And he inspires me to play the way he thinks, possible shoots… Galing. National treasure,” sabi ni Arcenas.
Nagka-interes namang maglaro ng bilyar ang Indonesian na si Sigit Gunawan dahil kay Reyes.
Nagka-interes namang maglaro ng bilyar ang Indonesian na si Sigit Gunawan dahil kay Reyes.
ADVERTISEMENT
“All the people who like to play billiards know about him. He is very famous here. You see, so many people came here watching how he plays,” sabi ni Gunawan.
Ikinatuwa ni Reyes ang mainit na pagtanggap sa kanya sa Indonesia. Pinuri niya rin si Punguan.
Ikinatuwa ni Reyes ang mainit na pagtanggap sa kanya sa Indonesia. Pinuri niya rin si Punguan.
“You have good hands and good eyes. Alam mo nagtataka ako akala ko wala ng gagaling dito meron pa pala. Biro mo, pati bata trese anyos, magaling na rin,” sabi ni Reyes.
Balak na umanong magretiro ni Reyes pero nadaragdagan pa ang kanyang mga tagahanga. At mas binibigyan siya ng respeto ‘di lang ng mga Pinoy kundi maging ng ibang lahi.
Balak na umanong magretiro ni Reyes pero nadaragdagan pa ang kanyang mga tagahanga. At mas binibigyan siya ng respeto ‘di lang ng mga Pinoy kundi maging ng ibang lahi.
Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT