PBA: Kelly Nabong, sa San Miguel na; Gabby Espinas patungong GlobalPort | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PBA: Kelly Nabong, sa San Miguel na; Gabby Espinas patungong GlobalPort

PBA: Kelly Nabong, sa San Miguel na; Gabby Espinas patungong GlobalPort

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 21, 2018 09:36 PM PHT

Clipboard

Ikatlong koponan na ni Kelly Nabong ang San Miguel Beer sa ika-6 na season nito sa PBA. File/PBA Media Bureau

Lalong tumangkad at lumakas ang frontline ng San Miguel Beer matapos kompletohin ng naghaharing PBA Commissioner's Cup champion ang trade sa pagitan nito at ng GlobalPort.

Inaprubahan ng liga Huwebes ng umaga ang paglipat ni Kelly Nabong sa Beermen kapalit ni Gabby Espinas.

Kasama si JuneMar Fajardo, Arwind Santos, Christian Standhardinger at Renaldo Balkman, pinaigting pa lalo ng Beermen ang lineup nito sa ilalim, ilang laro na lang bago matapos ang elimination round ng kasulukuyang conference.

Bago GlobalPort, unang naglaro ang kontrobersyal na si Nabong, may tangkad na 6-foot-6, sa Meralco.

ADVERTISEMENT

Maasahan sa scoring at rebounding si Nabong, ngunit mas kilala siya sa pagkakasangkot sa mga away sa loob ng court.

Bukod sa mga player ng kabilang team, naka-girian na rin ni Nabong ang kaniyang coach at ilang mga referee.

Para sa GlobalPort, ito ang ikalawang player nila na itrinade ngayong linggo, matapos nilang pakawalan si Julian Sargent para kay Paolo Taha sa Barangay Ginebra.

Kasalukuyang may 4-4 na kartada ang San Miguel, ikalima sa standings, habang 4-5 naman ang GlobalPort.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.