Varsity player na putol ang braso, inspirasyon sa kabataan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Varsity player na putol ang braso, inspirasyon sa kabataan

Varsity player na putol ang braso, inspirasyon sa kabataan

ABS-CBN News

 | 

Updated May 24, 2017 03:49 PM PHT

Clipboard

Isang aksidente ang nagbago sa buhay ng isang batang babae, subalit hindi ito naging hadlang sa pag-abot nito sa kanyang mga pangarap.

Lumaki si Kathryn Tan na masayahin at mahilig sa sports, gaya ng ibang mga bata.

Subalit noong siya ay 10 taong gulang, isang aksidente sa carnival ride na rollercoaster ang nagdulot sa kanya ng kapansanan—siya ay naputulan ng braso.

“Nag-start ‘yung ride. ‘Yung students sa likod, sumigaw, ‘Kuya, ang bagal naman!’ I guess, the operator, in-adjust niya ‘yung speed. ‘Yung sinasakyan namin, ‘yung anim kami, it was derailed. Talagang tumilapon kami. When I landed, nadaanan ng coaster ‘yung kamay ko,” kuwento ni Tan.

ADVERTISEMENT

Pero hindi ito naging hadlang para maabot pa rin ang kanyang mga gustong marating sa buhay. Sabi niya, mas naging dahilan pa ito para kumapit siya lalo sa kanyang pangarap na maglaro ng basketball.
Sa katunayan, naging miyembro pa siya ng varsity team kung saan siya nag-high school.

"Kailangan ko talagang i-prove na I deserve that spot. I had to double my efforts in doing the drills. Kahit mahirap, sobrang hirap talaga. Tapos na lahat, ako na lang talaga," aniya.

Mula Grade 6 hanggang high school, naging varsity ng basketball si Tan.

Maraming nagawa at nagagawa si Kat tulad din ng taong may dalawang braso. Hindi rin siya naging insecure kailanman dahil sa suporta ng pamilya at mga kaibigan.

"Hindi naman mahirap ‘yung ginagawa ng iba, as long as nandoon ‘yung drive mo to do it. Kapag nadapa ka, kailangan marunong kang tumayo at lumaban," sabi ni Tan.

Patuloy siyang nagiging inspirasyon sa mga kababaihan at kabataan sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanyang karanasan sa mga batang gustong maglaro at mahilig sa basketball.

Nagko-coach ngayon si Tan ng mga bata sa Philippine Basketball Academy.

Siya ay buhay na patunay na walang imposible kapag buo ang loob at may pananalig sa Diyos.

-- Ulat ni Migs Bustos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.