SEA Games: Bulaong panalo matapos maghain ng protesta | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SEA Games: Bulaong panalo matapos maghain ng protesta

SEA Games: Bulaong panalo matapos maghain ng protesta

ABS-CBN News

Clipboard

Nagprotesta ang Philippine kun bokator team sa board of judges ng 32nd Southeast Asian Games dahil sa resulta ng elimination round sa women’s combat kung saan lumaban ang Pilipinang si Geli Bulaong laban sa Cambodia.

Tatlong judge ang pumabor sa Cambodian na si Chanthy Bo sa kabila ng agresibong laro ni Bulaong.

“Panalong-panalo ako, alam ko yon, sa puso ko, sa isipan ko, simula first round hanggang third round, suntok, sipa, takedown, kahit isang takedown, wala siya. Ako lahat meron, simula first round hanggang third round, second round," naiiyak na kwento ni Geli Bulaong sa ABS-CBN News.

"Pinatayan pa nila kami ng timer, alam ko more than 4 minutes na yung laban, hindi pa nila tinitigil, para lang makahabol yung dito."

ADVERTISEMENT

Narinig at nakita ng ABS-CBN News na sa last round, sumigaw ang isa sa dalawang coach ng Pilipinas sabay taas ng phone upang ituro ang oras.

Matapos ang protesta ay dininig ng mga hurado ang apela.

Sa dulo ay indineklarang panalo ang pambato ng Pilipinas.

Sinusubukan pa ng ABS-CBN News na kunin ang pahayag ng coach ng Pilipinas at ng board of judges. - Ulat ni Rhea Soco-Neis

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.